Ikaw lamang, Yahweh, ang lahat sa aking buhay, lahat ng kailangan ko'y iyong ibinibigay, kinabukasan ko'y nasa iyong mga kamay. Mga kaloob mo sa akin ay kahanga-hanga, napakaganda ng iyong pamana! Pinupuri ko si Yahweh na sa aki'y pumapatnubay, at sa gabi, sa budhi ko siya ang gumagabay. Alam kong kasama ko siya sa tuwina; hindi ako matitinag pagkat kapiling siya. Kaya't ako'y nagdiriwang, puso't diwa ko'y nagagalak, hindi ako matitinag sapagkat ako'y panatag.
Basahin Mga Awit 16
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 16:5-9
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas