Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 16:5-9

Salmo 16:5-9 ASND

PANGINOON, kayo ang lahat sa aking buhay. Lahat ng pangangailangan koʼy inyong ibinibigay. Kinabukasan koʼy nasa inyong mga kamay. Ang mga biyayang kaloob nʼyo sa akin ay parang malawak na taniman, kahanga-hangang tunay. Tunay na napakaganda ng kaloob na ibinigay nʼyo sa akin. Pupurihin ko kayo, PANGINOON, na sa akin ay nagpapayo. At kahit sa gabiʼy pinaaalalahanan ako ng aking budhi. PANGINOON palagi ko kayong iniisip, at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag. Kayaʼt nagagalak ang puso ko, at akoʼy panatag, dahil alam kong ligtas ako.