Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mangarap nang Malaki kasama ni Bob GoffHalimbawa

Dream Big with Bob Goff

ARAW 7 NG 7

Maaaring mayroon kang ilang mapagkakatiwalaang sagot sa tatlong malalaking tanong sa buhay: Sino ka? Nasaan ka? Ano ang hinahangad mo? Nasa tamang upuan ka ngayon. Ano ang gagawin mo tungkol sa mga natuklasan mo? 

Sana'y naging mas konektado ka sa mundong nakapaligid sa iyo at sa mga posibilidad sa loob mo. Natukoy mo na kung sino ang mga makakasama mong maglakbay sa biyaheng ito at nakagawa ng personal na talaan ng mga kakayahang mayroon ka at mga pangambang nakahadlang sa iyo. Nabigyan mo na ng mga tiyak na pagturing ang iyong mga ambisyon, nailista ang mga dapat mong gawin, nakadalawang hakbang na para makabuwelo, at nakalikha ng puwang sa buhay mo para may lugar para sa mga bagong tangkain. Maaaring may nagawa ka nang ilang bagay upang makapagsimula. Kung nagkaroon ng dalawang sagabal, okey lang iyon.

May katiwasayan at kaginhawahang nakukuha sa proseso ng pagpaplano, hindi ba? Ganito palagi ang nangyayari sa ating mga ambisyon. Ang huling hakbang sa prosesong ito ay ang tigilan na ang lahat ng pagpaplano. I-book na ang tiket. Bilhin na ang singsing. Idaos ang unang pagpupulong sa inyong sala. Anuman iyon, tigilan na ang paglutang-lutang ng 10 talampakan sa itaas ng iyong mithiin. Kailangan mo nang mas umabante pa nang kaunti at ibaba ang iyong mga gulong sa lupa.

Habang ginagawa mo ito, huwag mong tangkaing maging perpekto ang lahat; maghanap ng pruwebang namumuo na ang iyong ambisyon sa mundo. Huwag mong isiping magiging maayos ang lahat. Paghandaan ang matagtag sa paglapag sa lupa. Hindian ang lahat ng mga dahilang maaaring hindi umubra ito o bakit dapat huwag na lang itong subukan. Sulit ang ambisyon natin. Ang kabuuan nito. Ito'y sulit sa lahat ng maibibigay mo rito. Ito'y sulit sa bawat sakripisyong gagawin mo upang magawang katotohanan ang iyong ideya.

Maaaring hindi mo alam, may nananalangin na ibaba mo na ang iyong panulat at simulan na ang paggawa. Tigilan na ang pagsasabi ng kung ano ang gusto mong gawin balang araw. Simulan mo na. Huwag nang hintayin ang tamang araw, ang kabilugan ng buwan, o isang diwata ang lumapag sa iyong ilong. Umimbento ng ikawalong araw ng linggo. Tawagin itong “Simulanday.”

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Dream Big with Bob Goff

Matutunan kung paanong malinaw na itakda ang iyong mga mithiin para sa sarili. Tukuyin ang mga balakid na sumasagabal sa iyo. Magbalangkas ng tiyak na plano sa pag-abot ng mga layunin. Bumuo ng mga kasangkapang tutulong sa iyo upang magawa ang plano.

More

Nais naming pasalamatan ang HarperCollins/Zondervan/Thomas Nelson para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyari pumunta sa: https://amzn.to/2UN6uWo