Mangarap nang Malaki kasama ni Bob GoffHalimbawa
Pagdating sa iyong mga ambisyon, pinapayagan kitang maging ubod ng mapili sa trabahong gagawin mo. Hindi ito tulad ng hapunan noong bata ka pa; may kakayahan kang maghanap ng iba kung ayaw mo ang nakahain sa harapan mo. Hindi dahil oportunidad ay nangangahulugang iyan na ang dapat kung hindi mo naman nais ito. Hindi dahil nagawa mo na ang isang trabaho sa nakaraan ay nangangahulugang ito na ang trabaho para sa iyong hinaharap. Hindi ko inirerekomenda ang isang buhay na hindi makapagpasiya. Bagkus ay ang kabaligtaran. Ang nais ko ay maging napakalinaw mo sa nais mong makita sa buhay mo na hindi ka malilitong isipin na ang mga mahahalagang pinagpasiyahan mo ay hindi mahahalaga. Kailangan mong gumugol ng oras sa mga mahahalagang pinagpasiyahan, at hindi ka na makakalikha ng higit pang oras. Ang mga taong nagpupursigi sa paghahabol ng kanilang mga ambisyon ay talagang nahahasa sa pagsasabi ng hindi sa tumpak na paraan.
Oras na makagawa ka ng mga susunod na hakbang papunta sa iyong ambisyon, mas mararamdaman mo ang katuwaan at na posible talagang mangyari ang inaasam mo. Huwag tumigil kahit hindi pa nangyayari ang inaasam mong mangyari. Huwag panghinaan ng loob kung hindi ka ipinapatawag. Huwag ibasura ang iyong ambisyon dahil kakailanganin ng higit pang pera o mas marami pang panahon kaysa inaakala mong magkakaroon ka. Ituloy mo lang ang ginagawa mo. Tugunin ang buhay mo na parang may sinusundan kang hindi-nakikitang landas papunta sa ambisyon mo. Siguruhing naaayon ito sa mga pinaniniwalaan mo, at ibigay ang lahat para rito.
Habang ginagawa ng mga tao ang lahat ng mga hakbang na ito, marami ang makakakita na may mga hadlang na nakapuwesto na sa daraanan. Maaaring mga dating pagpapasiya o mga kasalukuyang pananagutan ang hadlang sa pagitan mo at ng pag-abante sa kailangan mong gawin. Upang malampasan ang mga hadlang na ito, maaaring kailanganin ng isang hindi-madaling pakikipag-usap. Maaaring kailanganin ng isang pirasong dinamita. Bahala kang magpasiya. Ang kaisa-isang pagpili na hindi dapat konsiderahin ay ang talikuran at iwanan ang inaambisyon.
Tungkol sa Gabay na ito
Matutunan kung paanong malinaw na itakda ang iyong mga mithiin para sa sarili. Tukuyin ang mga balakid na sumasagabal sa iyo. Magbalangkas ng tiyak na plano sa pag-abot ng mga layunin. Bumuo ng mga kasangkapang tutulong sa iyo upang magawa ang plano.
More