Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kapayapaan ay Isang TaoHalimbawa

Peace is a Person

ARAW 5 NG 5

Ang Kapayapaan ay Mula sa Pagtindig sa Tamang Lugar

Sa isang labis na mahirap na panahon sa aking buhay pinanghawakan ko ang isang sipi mula sa Banal na Kasulatan na naghatid ng malaking ginhawa sa akin:  “Ang bunga ng katuwiran ay kapayapaan; at ito'y magdudulot ng katahimikan at pagtitiwala magpakailanman.” Isaias‬ ‭32:17‬ RTPV05‬‬

Bilang isang batang inang pinanghihinaan dahil sa mga hamon ng buhay, hinangad ko ang kapayapaan at katahimikan. Nasaan ang lugar na iyon? Habang naghahanap at nakikipagbuno ako para sa katahimikan at pagtitiwala sa aking espiritu, sinimulan kong mas bigyang-pansin ang unang bahagi ng sipi. “Ang bunga ng katuwiran ay kapayapaan…” 

Ang katuwiran ay isang tila pang-simbahan at relihiyosong salita na ang ibig sabihin lang ay pagiging tama—ang pagtindig sa “tamang” lugar kasama ng Diyos. 

Paano natin malalaman kung tayo ay nakatindig sa tamang lugar? Simple, ito'y kung mayroon tayong kapayapaan—Kapayapaan. May-pagtitiwalang Kapayapaan na humihigit sa anumang sitwasyon, sa bawat alitan, bawat mahirap at madilim na dako. Ang tamang lugar ay ang pananatili kay Jesus, ang paghanay sa Kanyang mga pamantayan ng katotohanan—Kanyang pagiging tama. Kapag kaguluhan ang namamayani at nawawala ang ating kapayapaan, makasisiguro tayong humakbang tayong papalayo sa Kanya o na may pinaniniwalaan tayong hindi mula sa Kanya.

Ang ating Diyos ay matatag, hindi nagbabago, tapat, at sigurado. Nananatili Siya at hindi maaalis. Tulad ng bakal na pumuprotekta sa atin sa roller-coaster, kapag humawak sa Kanya, tayo ay hindi maaalis, anumang taas o baba ang abutin natin sa buhay. Ang ating mga emosyon ay hindi magkabi-kabilang matatangay, mga salita natin ay maghahatid ng katotohanang lakip ng pag-ibig, at ating mga kaisipan ay madaling maibabalik sa pagkakahanay sa Kanyang katotohanan. Ang mga kaparaanan Niya ay mapapasaatin. 

Sinasabi ni Pablo sa Mga Taga-Colosas 3:15 ang “Paghariinninyo sa inyong puso…”  Ito'y isang direktibang palaging piliin ang Kapayapaan bilang tagahatol na mangangasiwa sa ating isip, kalooban, at mga emosyon na manatili sa tamang lugar—katuwirang kasama ang Diyos.

Ang Kapayapaan ay maaaring maging pinakasentrong nagpapakilos ng ating buhay, ang kalagitnaang nag-iiwas sa iyong mamuhay sa takot, kabalisahan at magkabi-kabilang mga emosyon. Ang kapayapaan ay pagiging buo at proteksyon mula sa kaaway. Ito'y ang ating may-pagtitiwalang kakayahang itama ang mga bagay at manindigan para sa katotohanan. Kapag nananatili tayo sa hindi nauubos, marangyang pag-ibig at kagandahang-loob ni Jesus, nasa tamang lugar tayo at “ito'y magdudulot ng katahimikan at pagtitiwala magpakailanman”. 

May pagpapakumbabang dumating si Jesus sa mundo bilang Prinsipe ng Kapayapaan at ang iniwan niyang regalo sa atin ay ang Kanyang walang hanggang nakapalibot na presensya.

Ang kapayapaan ay hindi isang dalisay na tagpo, isang lugar na walang ingay at mga paghihirap, o isang damdamin lang. Ang kapayapaan ay ang paghahanay ng ating mga kaisipan at mga kaparaanan sa mga kaisipan at kaparaanan Niya.  

Ang Kapayapaan ay Isang Tao. 

----------------------------------------------------------------------

Kung nagustuhan mo ang gabay na ito, kumonekta kay Robin sa Instagram. @manymeadows 

 Umaasa kaming napasigla ka ng Gabay na ito. Tuklasin pa ang ibang mga Sanggunian mula sa YouVersion  

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Peace is a Person

Ikaw ba ay naghahanap ng isang mapayapang buhay na protektado sa kaguluhan ng iyong mundo? Hangad mo ba ang isang buhay na lahat ay mapayapa ang takbo, na walang paggambala at alitan? Lahat tayo ay nais iyon, ngunit ang ideyang ito ay malayo sa ating katotohanan. Sa 5-araw na gabay na ito, tuklasin na ang kapayapaan ay hindi ang kawalan ng mga problema o paghihirap. Ang kapayapaan ay ang presensya ni Jesus. Ang Kapayapaan ay isang Tao.

More

Nais naming pasalamatan si Robin Meadows para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.amazon.com/Robin-Meadows/e/B081QMDFDR?ref_=pe_1724030_132998060