Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Takbuhin: 5-Araw ng Mga Panghihikayat para sa isang Aktibong PamumuhayHalimbawa

Running the Race: 5-Days of Encouragements for an Active Lifestyle

ARAW 3 NG 5

Hindi Tayo Makakatakbo Nang Wala Ang Diyos

Madali nating nakakalimutan ang kahanga-hangang kapangyarihan ng Diyos na ating pinaglilingkuran. Sa halip, tayo ay umaasa sa ating mga sarili. Sa ating sariling mga katawan, sa ating sariling karunungan. At ating inilalagay ang kadakilaan ng Diyos sa isang madilim na sulok ng ating isipan. 

Ilabas ito mula sa dilim ngayon, sapagkat hindi natin ito magagawa sa ating mga sarili. Dalhin ito sa harapan at isaalang-alang ito. 

Sinasabi ng Jeremias 31:35 na inayos ng Diyos ang buwan at mga bituin upang tumanglaw sa gabi. Siya ang nagpapagalaw sa dagat, na nagiging sanhi ng pag-agos ng mga alon nito. Sinasabi ng Mga Awit 89, "Sumusunod sa iyo dagat mang mabangis, alon mang malaki'y napapatahimik.”

Sa Mateo, nakatulog si Jesus sa bangkang pangingisda kasama ang kanyang mga alagad. Nagsimula ang isang bagyo, at natakot ang mga alagad at ginising si Jesus upang mailigtas sila. 

Sinabi sa Mateo 8:26, “Ngunit sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natatakot? Napakaliit naman ng inyong pananampalataya!” Bumangon siya, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at bumuti ang panahon.”

Sa Lucas 19, ang mga alagad ni Jesus ay nagsimulang puruhin siya at sinabi nila, “Pinagpala ang haring dumarating sa pangalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit! Papuri sa Kataas-taasan!”

Ang mga Pariseo ay namangha, at sinabi, “Guro, patigilin nga po ninyo ang iyong mga alagad!”

Sinabi ni Jesus, “Sinasabi ko sa inyo… kapag tumahimik sila, ang mga bato na ang sisigaw.”

Ang Diyos ay karapat-dapat na purihin na hinihiling ito ng mga nilikha. Ngunit, madalas tayo ay nagkakasala na inaalala lamang ang kadakilaan ng Diyos kapag kailangan natin ang tulong Niya, tulad ng mga alagad sa bangka. Sa halip, sinisikap nating gawin ito sa ating mga sarili. Sa katotohanan: hindi tayo ginawa upang gawin ito sa ating mga sarili.

Ano kaya kung tayo'y tatawag sa Diyos kapag kalmado ang mga alon at hangin? Paano kaya kung isinasaisip natin araw-araw ang kadakilaan ng Diyos, nang may pagpapakumbaba?

ANG TANONG SA ARAW NA ITO

Ano ang tatlong bagay na maaari mong dalhin sa Diyos ngayon?

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Running the Race: 5-Days of Encouragements for an Active Lifestyle

Sa limang araw na gabay na ito, mahikayat sa mga kuwento ng pagtatagumpay, pagtuklas ng pagpapakumbaba, at pagtakbo sa karera ng buhay. Sadyang nilikha para sa aktibong pamumuhay, ang maikling debosyonal na ito ay humihimok sa iyo na pagnilayan ang karera na iyong tinatakbo at magsimulang tingnan ang mga bagay mula sa isang bagong pananaw.

More

Nais naming pasalamatan ang Lifeway International sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.lifewater.org