Mga Inang Hindi NatitinagHalimbawa
"Aalalayan Kita"
Binuksan ko ang pinto at nakatayo siya roon, puno ng mga paborito kong bagay ang kanyang mga kamay.
"Hindi ako sigurado kung anong magugustuhan mo, kaya kumuha na lamang ako ng tig-iisa ng lahat", habang ibinibigay niya sa akin ang matamis na tsaa at isang maliit na karton ng sorbetes. Mahigpit niya akong niyakap at halos maipit ang mga bagay na nasa gitna namin.
"Narito ako upang hugasan ang iyong mga hugasin", sinabi niya. Ibinaba niya ang kanyang mga gamit, sabay high-five sa anak kong babae at nagtungo sa kusina ko. Akala ko ay nagbibiro siya, sapagkat sino ba naman ang talagang gagawa nito? Naalala ko ang larawang inilagay ko sa Instagram ilang oras na ang nakakalipas kung saan makikita sa likuran ko ang lababong umaapaw sa mga hugasin, at mga sisidlang puno ng malilinis at hindi pa natutuping labada. Talagang "isa ito sa mga linggong iyon". Ibinahagi ko ito ng may kumikindat na emoji, ngunit sa kaloob-looban ko ay nalulunod na ako. Hindi ko matapos ang mga gawain ko para sa mga anak ko, sa bahay, sa kaguluhan nito. At naroon siya, ginagawa ang aking mga hugasin habang nakatayo akong manghang-mangha.
Ang mga ganyang tao ay napakakaunti at napakadalang, hindi ba? Ngunit bakit? Bakit hindi tayo gumagawa ng hakbang upang makatulong kung saan tayo maaaring makatulong? At kung tutuusin ay hindi naman siya isang taong napakaraming panahon - may tatlong anak din siyang nasa kanilang tahanan. Sabi nga nila ay kailangan natin ang isang buong barangay.
Kapag iniisip ko ang isang komunidad na hindi natitinag - ang larawan ng kasaysayan sa Exodo 17 ang sa tuwina ay dumarating sa isipan ko. Si Moises ay nakikipagdigma, at habang nakataas ang kanyang tungkod, nananalo sila. Ngunit hindi niya ito natagalan. At doon siya tinulungan nina Aaron at Hur upang panatilihing nakataas ang kanyang mga kamay. Nanatili siyang matatag dahil naroroon sila, na siyang naging barangay niya na tumulong upang makatayo siyang hindi natitinag sa kabuuan ng kanyang pakikidigma.
Kaninong mga kamay ang maaari mong alalayan? Kamangha-mangha ang kaibahang magagawa natin sa simpleng pagpunta natin. Kung magsisimula tayong alalayan ang bawat isa nang mas madalas, makakalikha tayo ng isang pundasyong hindi natitinag para sa ating mga anak. Kung minsan kailangan lamang natin magkusa at magsabing, "Aalalayan kita!".

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Paano kung kaya mong gumawa ng isang napakatibay na bahay, na kahit mga bagyo ng kagipitan ay hindi ito mapapagalaw? Paano kung ang iyong pundasyon ay napakatatag na kahit na yumayanig na ang sahig na kinatatayuan mo, nananatili kang HINDI NATITINAG? Ang pagtatagpi at pagpipintura ay panandalian lamang. Hindi tayo makakapagtago habambuhay sa likod ng magandang tabing sa bintana. Panahon na upang pahintulutan natin ang Kanyang buhay na pagtibayin tayo at itatag sa Kanyang pag-ibig.
More
Nais naming pasalamatan ang Thrive Moms sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: thrivemoms.com