Mga Inang Hindi NatitinagHalimbawa
"Tiyak na Pundasyon"
Ang kawalan ng kapanatagan marahil ang pinakamalalang damdamin sa mundo. Ninanakaw nito ang iyong pagtitiwala sa sarili, ang iyong kapahingahan, at ang iyong kalayaan. Sa pagsasalita pa lamang nito ay binabaha na ang isip ko ng napakaraming alaala. Bilang batang babae, na takot sa dilim, sumisilip mula sa talukbong upang makita kung talagang may halimaw sa silid ko. Bilang isang bagong mag-aaral sa paaralan, na walang kakilalang sinuman, iniisip kung makakahanap ba ako ng kaibigan. Sa pag-audition sa isang musical, kinakabahan at natatakot na baka makalimutan ko ang mga linya ng awitin. Sa pagpili ng isusuot sa isang tipanan, umaasang magustuhan at makuha ang kanyang pansin. Nang araw na binili namin ang unang bahay namin, iniisip kung kaya na naming pangasiwaan ang ganitong responsibilidad. Ang naramdaman ko nang sa unang pagkakataon ay iniuwi namin ang unang sanggol namin, at ang napakalaking katotohanang kami ang may pananagutan sa kanyang buhay. Ang bawat isa sa mga alaalang iyon ay nagdulot upang mawalan ako ng kapanatagan, at lumilikha ng isang malalim na pagnanais para sa isang matibay na bagay na aking matatayuan at pananatilihin akong matatag anuman ang mangyari.
Madalas, sumusunod ako sa mga pangyayari sa aking buhay. Madali itong gawin, dahil likas sa ating sumang-ayon sa nahahawakan at nakikita natin. Halimbawa: kapag may suliranin sa pag-uugali ang ating anak sa paaralan, madaling tawagin siyang problemang anak o kaya naman ay tawagin mo ang sarili mong hindi mabuting ina. Kapag nabigo ang isang pangarap, likas na mararamdaman nating para tayong naliligaw ng landas o kaya naman ay nawawala ang ating pagkakakilanlan. Ngunit hindi tayo tinawag upang mabuhay sa ating kalikasan bilang tao. Tinawag tayo upang lumakad sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at upang magawa natin ito, kailangan nating tumayo sa tiyak na pundasyon. Yaong nasubok at napagtibay na. Yaong alam natin na hindi kailanman mayayanig ng mga lindol at pagbabago ng buhay. Kung tayo ay tatayo sa kung anong nakikita ng ating pisikal na mata, lagi tayong magbabago kasabay ng mundong pabago-bago rin. Iyan ay isang buhay na hindi nakaangkla kay Jesus. Sa katunayan, tinatawag iyan ng Biblia na parang bata. Tinawag tayo upang lumago kay Cristo sa lahat ng bagay. Siya ang kasiguruhan kung saan tinawag tayo upang doon natin itayo ang mga buhay natin.
Ano ang kinatatayuan mo ngayon? Saan mo ba itinatayo ang buhay mo? Kapag ang mundo ay natatakot sa kadiliman, nagtatago sa ilalim ng kanilang talukbong, kaya mong maging hindi natitinag; nagliliwanag na tulad ng parola sa gabi. Kaya mong lumakad sa mga walang katiyakang araw dahil Siya ang iyong tiyak na pundasyon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Paano kung kaya mong gumawa ng isang napakatibay na bahay, na kahit mga bagyo ng kagipitan ay hindi ito mapapagalaw? Paano kung ang iyong pundasyon ay napakatatag na kahit na yumayanig na ang sahig na kinatatayuan mo, nananatili kang HINDI NATITINAG? Ang pagtatagpi at pagpipintura ay panandalian lamang. Hindi tayo makakapagtago habambuhay sa likod ng magandang tabing sa bintana. Panahon na upang pahintulutan natin ang Kanyang buhay na pagtibayin tayo at itatag sa Kanyang pag-ibig.
More
Nais naming pasalamatan ang Thrive Moms sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: thrivemoms.com