Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Inang Hindi NatitinagHalimbawa

Unshakable Moms

ARAW 2 NG 6

"Pagpapaningas na Muli"

Tuwing tag-araw, ang buong pamilya namin ay nagbabakasyon. Bawat ina ay batid na ang "pamilya" at "bakasyon" ay dalawang salitang hindi maaaring magkasama ng sabay, tama? Kapag ikaw ay naging magulang na, ang bakasyon ay isang mahirap na gawain. Ngunit ilan sa mga pinakamatatamis na alaala ay mula sa nakakapagod na bakasyong iyon kasama ang pamilya, na nagpapaningas at nakapagpapanariwa sa ating mga kaluluwa upang makabalik na muli sa buhay na sama-sama.

Kapag ako ay nagbabakasyon - napapagtanto ko ang matinding pagkakaiba ng bersyon ng kulturang ito ng kapahingahan at ng bersyon nito ni Jesus. Madali tayong tumakbo sa anumang bagay at sa lahat ng bagay MALIBAN kay Cristo para sa ating kaginhawahan. Ginugugol natin ang ating R&R na nakahiga sa tabi ng palanguyan (o hinahabol ang mga bata paikot ng palanguyan dala-dala ang bote ng sunscreen at sumisigaw ng "tumigil na kayo sa pagtakbo!" sa ikasanlibong beses), nanonood ng pelikula, namimili at gumagastos ng malaking halaga sa mga theme park. Noong panahon ng pagmiministeryo ni Jesus dito sa mundo ang Kanyang pagpapahinga ay tila kakaiba. Isinasalaysay ng Biblia kung paanong lalayo si Jesus at gigising nang maaga upang manalangin at gumugol ng oras sa pakikipagniig sa Kanyang Ama.

Wala namang masama sa mga nakatutuwang bagay na ginagawa natin, ngunit paano kung tumakas tayo sa pag-iisip na KAILANGAN natin ang mga makamundong kalayawan upang magkaroon tayo ng kaginhawahan? Paano kung tumigil tayo sa pakikinig sa mga bulong na nagsasabi sa ating "ayos lang yun, nararapat lang iyon para sa iyo!" Mas mabigat ang iniatang sa mga balikat ni Jesus at hindi natin kayang arukin iyon. Tumakbo ba Siya sa Starbucks o kumuha ba Siya sa nakatago Niyang tsokolate sa pagtatapos ng mahabang araw Niya dahil iyon lamang ang paraan upang makaraos Siya sa buong araw? Hindi, tumakbo Siya sa mga bisig ng Kanyang Ama. Marami tayong matututunan sa Kanyang halimbawa kung saan Siya kumukuha ng lakas upang patuloy Siyang magningas. At pumila na kayo sa likod ko, aking mga kaibigan, dahil napakahalaga sa puso ko ang nakatagong tsokolate kong ito.

Sa tuwing kakailanganin natin na muli tayong magningas sa linggong ito, bumaling tayo sa pinagmumulan nito. Ang pinagmumulang ito ay siyang magpapanatili sa ating hindi natitinag ng kahit anumang bagay. Natatagpuan kong kapag ako ay humihindi sa mga pansariling pagpapalayaw at nagsasabi ako ng oo sa Kanya, natatagpuan ko ang lahat ng kalakasang kinakailangan ko. Mainam ang sinasabi sa Mga Awit 16:11: "Ituturo mo ang landas na patungo sa buhay, sa piling mo'y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo'y nagdudulot ng ligayang walang hanggan." Nawa ay matagpuan ninyo ang muling magpapaningas at magpapaginhawa sa inyo tanging sa Kanya lamang, mga kapatid!

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Unshakable Moms

Paano kung kaya mong gumawa ng isang napakatibay na bahay, na kahit mga bagyo ng kagipitan ay hindi ito mapapagalaw? Paano kung ang iyong pundasyon ay napakatatag na kahit na yumayanig na ang sahig na kinatatayuan mo, nananatili kang HINDI NATITINAG? Ang pagtatagpi at pagpipintura ay panandalian lamang. Hindi tayo makakapagtago habambuhay sa likod ng magandang tabing sa bintana. Panahon na upang pahintulutan natin ang Kanyang buhay na pagtibayin tayo at itatag sa Kanyang pag-ibig. 

More

Nais naming pasalamatan ang Thrive Moms sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: thrivemoms.com