Patungkol sa Kalayaan at PagpapatawadHalimbawa
Nakasalubong ni Saulo si Jesus, Bahagi 2
Ito ang ikalawang bahagi ng Pagsasabuhay sa Biblia ng kuwento ng kung paano nakasalubong ng Alagad na Pablo si Jesus.
Balikan ang nangyari sa Mga Gawa 9:1-9. Basahin ang Mga Gawa 9:13-14.
Ano ang pagtutol ni Ananias sa kautusan ng Diyos na bisitahin nito si Saulo? Naramdaman mo na ba ang tila nais ng Diyos na may kausapin ka patungkol sa personal na relasyon kay Jesus ngunit may tumawid na mga tulad na kaisipan sa'yong isip? Ano ang marahil na nangyari kung tumanggi si Ananias na makipag-usap kay Saulo? Maaaring hindi na naging Cristiano si Pablo! Sa bersikulo 11, ano ang sinabi ng Panginoon kay Ananias na katunayang handa na ang puso ni Saulo na makinig sa sasabihin ni Ananias? Nananalangin si Pablo at matindi ito – namamanhik sa Diyos para sa habag at pagpapatawad. Minsang nasabi ni Philip Yancey ang: “Hindi madali sa taong aminin ang desperasyon. Kapag ginawa nila ito, ang kaharian ng Diyos ay lumalapit.” Binaba ng Diyos si Saul upang makita niya ang labis na pangangailangan niya sa Diyos.
Tanong: May naaalala ka bang pagkakataong binaba ka ng Diyos upang mapalapit ka sa Kanya?
Paano mo ilalarawan ang pagbabagong nangyari sa buhay ni Saulo? Ito ay lubusang pagbaliktad! Isang ganap na pagbabago! Isang radikal na pagpapalit! Ito ang pagsasalarawan ni Pablo sa nangyari sa kanya — at sa ating mananampalataya kay Cristo. Hindi maraming tao ang may dramatikong “karanasan sa Daan sa Damasco ” tulad ni Pablo, ngunit lahat tayo ay kailangang makapgsabi ng, “Hindi na ako ang kaparehong tao nang bago ko nakilala si Jesu-Cristo.” Kaya mo bang sabihin iyan?
Panahong Magbulay-bulay:
1. Nasaan ka na ngayon sa relasyon mo kay Cristo?
2. Ano ang pinagagawa sa atin ng Panginoon upang maabot ang iba ng Pag-ibig ni Cristo?
3. Ano ang nangyari nitong linggong ito habang inaabot mo ang iba upang maibahagi sa kanila ang pag-ibig ni Cristo?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagpapatawad ay isang proseso. Kailangan nito ng oras, pagpapasakit at mahirap itong gawin. Ito ay ang pagpapanumbalik sa dati ng mga relasyon sa pamamagitan ng pagbitaw sa masakit na nakalipas sa diwa ng pag-ibig. Walang nakapagpapanatili sa ating nakagapos sa nakalipas nang tulad ng ating pagtangging magpatawad. Ang pagtangging magpatawad ay mauuwi sa kapaitan sa kaluluwa. Ang pagpapatawad ay kalayaan mula sa kapaitan at sa inklinasyong maghiganti. Nagbubukas ito ng kinabukasang lakip ang mga bagong umpisa – isang bagong panimula.
More