Patungkol sa Kalayaan at PagpapatawadHalimbawa
Ang Katotohanan at Ang Kapangyarihan
Ang Katotohanan ng Diyos ay nagpapalaya sa atin mula sa panlilinlang.
Noong napakinggan ng mga Judio ang pangangaral ni Jesus at nakita ang Kanyang ginagawa, sabi nila, “Ito ay isang kakaibang katuruan! Makapangyarihan...” (Marcos 1:27).
Tingnan itong unang kabanata ng Marcos nang makita ang Katotohanan at Kapangyarihan ng Kaharian ng Diyos. Nararamdaman mo ba ang buong epekto ng Kaharian ng Diyos sa iyong buhay? Ito ang “kakaibang katuruan” na tinukoy ng mga Judio. Ang Kaharian ng Diyos ay dumating sa daigdig — ang Anak ng Diyos ay dumating upang ihatid ang Kaharian ng Diyos. Mayroon ka bang mga espirituwal na mata upang makitang dumating na ang Kaharian ng Diyos?
Apat na katotohanan ng Kaharian ng Diyos: (b. 9-13)
1. Hangad ng Diyos na ihayag ang Kanyang sarili sa iyo – isang tinig na mula sa langit (b. 10-11). Paano “nagsasabi” sa atin ang Diyos ngayon?
2. Pinasan ng Diyos ang lahat ng iyong kasalanan – ang pagbautismo ni Juan ay pagbabautismo ng pagtalikod sa kasalanan. Kasalanan mo ang ikinumpisal ni Jesus! Anong kasalanan ang nagawa mo ngayong linggo ang ikinumpisal ni Jesus noong araw na iyon sa Ilog Jordan? (b. 5, 9)
3. Sabik ang Diyos sa isang relasyon ng pagmamahal sa iyo – Ang relasyon ng Ama sa Kanyang “minamahal na Anak” (b. 11) ang uri ng relasyon na hangad Niya sa iyo. Mahal ka Niya nang gaya ng pagmamahal Niya kay Jesus! (Juan 17:23)
4. Kaya kang bigyan ng Diyos ng kapangyarihang mapagtagumpayan ang tukso – ang tagumpay ni Jesus laban sa panunukso ni Satanas ang patunay na kaya ka Niyang bigyan ng kapangyarihang gawin ang katulad. (Tingnan ang Mateo 4:1-11; Mga Hebreo 2:18)
Tanong: Alin sa apat na katotohanang ito ang pinakamahirap para sa'yong paniwalaan?
Tatlong Kailangan para sa Kaharian ng Diyos:
1. Magsisi at Tumalikod (b. 15) Amining ikaw ay nagkasala; talikuran ang iyong kasalanan at maglingkod sa Diyos “... tinalikuran ang pagsamba sa mga diyus-diyosan upang maglingkod sa tunay at buháy na Diyos” (1 Mga Taga-Tesalonica 1:9, RTPV05). Ano ang iyong “diyus-diyosan”?2. Paniwalaan ang Magandang Balita (b. 15) Impiyerno ang pinagdaanan ni Jesus upang maihatid ka sa isang relasyon ng pagmamahal kasama ng Ama
3. Sumunod (b. 16-20) Sina Simon, Andres, Santiago, at Juan ay sumunod. Sumusunod ka ba sa ipinagagawa sa'yo ng Diyos?
Tanong: Tandaan ang isang panahong sinunod mo ang tatlong kailangan na ito: tumalikod, maniwala, at sumunod. Anu-ano ang mga naging resulta sa iyong buhay? Ang Kapangyarihan ng Diyos ang nagpapalaya sa atin mula kay Satanas at sa Sakit
1. Kalayaan mula sa kontrol ng masasamang espiritu (b. 21-26, 34) — sumunod ang mga demonyo kay Jesus
2. Kagalingan mula sa sakit (b. 29-34, 40-45) — Nagpagaling si Jesus nang humiling ang mga tao. Ang Kaharian ng Diyos ay mapuwersang sumalakay sa paghahari ni Satanas sa kadiliman, sakit, at panlilinlang. Naparito si Jesus bilang PANGINOON!
Tanong: Nararanasan mo ba ang ganap na epekto ng Kaharian ng Diyos? Kung hindi, bakit? (Tingnan muli ang “mga katotohanan” at “mga kailangan” sa itaas.) “Madaling-araw pa'y bumangon na si Jesus at nagpunta sa isang lugar kung saan maaari siyang manalanging mag-isa.” (b. 35)
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagpapatawad ay isang proseso. Kailangan nito ng oras, pagpapasakit at mahirap itong gawin. Ito ay ang pagpapanumbalik sa dati ng mga relasyon sa pamamagitan ng pagbitaw sa masakit na nakalipas sa diwa ng pag-ibig. Walang nakapagpapanatili sa ating nakagapos sa nakalipas nang tulad ng ating pagtangging magpatawad. Ang pagtangging magpatawad ay mauuwi sa kapaitan sa kaluluwa. Ang pagpapatawad ay kalayaan mula sa kapaitan at sa inklinasyong maghiganti. Nagbubukas ito ng kinabukasang lakip ang mga bagong umpisa – isang bagong panimula.
More