Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Patungkol sa Kalayaan at PagpapatawadHalimbawa

Of Freedom and Forgiveness

ARAW 4 NG 5

Nakasalubong ni Saulo si Jesus, Bahagi 1

Ang Alagad na Pablo na umakda ng marami sa mga liham ng Bagong Tipan, ay hindi mula't sapul na tagasunod ni Cristo. Ang totoo nito ay siya na marahil ang pinakamatinding taong nakalaban ng sinaunang iglesya. Tingnan natin si Saul (na siyang pangalan niya bago naging isang Cristiano) at kung paano siya nagbago nang makilala si Jesu-Cristo.

Basahin ang Mga Gawa 9: 2.

Bakit sa palagay mong tinawag ang mga Cristiano na mga kaanib sa “Daan ng Panginoon?” Sinasabi ng mga Cristiano na si Jesus ang “tanging daan” tungo sa kaligtasan. Si Pablo ay isang mapagmataas na lider ng mga Judio na ayaw amining may kakulangan sa kanyang mga nakagawiang pang-relihiyong gawain. Walang gustong masabihan na ang kanyang mga pinaniniwalaan ay mali. Kailangan nating maging sensitibo kapag nagbabahagi tayo sa iba ng sinasabi ng Biblia. Ang iba ay maaaring magka-reaksyon na tulad ng kay Pablo. Tandaan, kay Jesus nakatutok: si Jesus ang daan! Hindi ang ating iglesya o denominasyon.

Basahin ang salaysay ng pagtatagpo nina Pablo at Cristo sa Mga Taga-Galacia 1:11,12 upang makita ang nais idiin ni Pablo patungkol sa “ebanghelyo” (mabuting balita) na ipinangaral niya. Saan ito nanggaling? Hindi mula sa tao, kundi sa isang paghahayag mula sa Diyos! Ngayon tingnan ang bersikulo 14 kung saan tinatalakay niya ang mga “kaugalian ng aming mga ninuno.” May dalawang pagpipilian si Pablo: Maaari niyang sundin ang (a) mga kaugalian ng kanyang mga ninuno o (b) ang paghahayag na tinanggap niya mula kay Jesu-Cristo. Kinailangan niyang magpasya kung alin ang susundin niya. Alin ang pinili niya? Ang paghahayag mula sa Diyos!

1. Ano ang ilan sa mga “kaugalian ng aming mga ninuno" ang pinili mo nang iwan? (halimbawa pagtatrabaho sa bukid, paninirahan sa inyong probinsiya, atbp.)

2. Nang walang pamumuna sa relihiyon ng iba, ibahagi ang isang bagay na natutunan mo mula sa Biblia patungkol sa marapat na pagsamba sa Diyos.

Panahong Magbulay-bulay:

1. Ano ang nangyari sa linggong ito sa pag-abot mo sa iba upang maibahagi ang pag-ibig ng Cristo sa kanila?

2. Ano ang nais ng Diyos na gawin natin upang umabot sa iba na dala ang Pag-ibig ni Cristo?

Humingi sa Diyos ng lakas ng loob na maging tulad ni Alagad Pablo at piliing sundin ang itinuturo ng Biblia patungkol sa ating relasyon sa Diyos, imbes na mga “kaugalian ng aming mga ninuno.”

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Of Freedom and Forgiveness

Ang pagpapatawad ay isang proseso. Kailangan nito ng oras, pagpapasakit at mahirap itong gawin. Ito ay ang pagpapanumbalik sa dati ng mga relasyon sa pamamagitan ng pagbitaw sa masakit na nakalipas sa diwa ng pag-ibig. Walang nakapagpapanatili sa ating nakagapos sa nakalipas nang tulad ng ating pagtangging magpatawad. Ang pagtangging magpatawad ay mauuwi sa kapaitan sa kaluluwa. Ang pagpapatawad ay kalayaan mula sa kapaitan at sa inklinasyong maghiganti. Nagbubukas ito ng kinabukasang lakip ang mga bagong umpisa – isang bagong panimula.

More

Nais naming pasalamatan si G. Boris Joaquin, Presidente at Chief Equipping Officer ng Breakthrough Leadership Management Consultancy. Siya ay dalubhasang tagapagsanay at kinikilalang isa sa pinakamahusay na tagapagsalita patungkol sa pamumuno at iba pang "soft skills" sa Pilipinas. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.theprojectpurpose.com/