Debosyonal ni Andrew MurrayHalimbawa
ANG SALITA NG DIYOS
Inihambing ng ating Panginoon ang Salita ng Diyos sa ating pang-araw-araw na pagkain, sa gayon ay nagtuturo sa atin ng isang malaking aral. Alam natin na ang tinapay ay kailangang-kailangan sa buhay. Naiintindihan nating lahat ito. Kahit gaano kalakas ang isang tao, kung siya ay walang pagkain, siya ay manghihina, at siya ay mamamatay. Kung ang isang sakit ay humadlang sa akin sa pagkain, ako ay mamamatay. Ito ay pareho sa Salita ng Diyos. Ang Salita ay naglalaman ng makalangit na prinsipyo at makapangyarihang gumagana sa mga naniniwala.
Dapat na kainin ang tinapay. Maaaring alam ko ang lahat tungkol sa tinapay. Maaari akong magkaroon ng tinapay at ibigay ito sa iba. Maaaring mayroon akong tinapay sa aking bahay at sa aking hapag na sagana, ngunit hindi iyon makakatulong sa akin maliban kung kakainin ko ito. Sa katulad na paraan, ang kaalaman lamang sa Salita ng Diyos at maging ang pangangaral nito sa iba ay hindi magiging kapaki-pakinabang sa akin. Hindi sapat ang pag-iisip tungkol dito. Sa halip, dapat akong kumain mula sa Salita ng Diyos at isapuso ko ito sa aking buhay. Sa pag-ibig at pagsunod ay dapat kong panghawakan ang mga salita ng Diyos at hayaang angkinin nito ang aking puso. Kung gayon ang mga ito ay magiging mga salita ng buhay.
Ang tinapay ay dapat kainin araw-araw, at gayon din sa Salita ng Diyos. Isinulat ng salmista, “Mapalad ang tao…[na]kasiyahang sumunod sa kautusan ni Yahweh; binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi.” (Awit 1:1–2); “O ang iyong mga utos ay tunay kong iniibig, araw-araw, sa maghapon ay siya kong iniisip.” (Mga Awit 119:97). Upang magkaroon ng malakas at makapangyarihang espirituwal na buhay, ang paggamit ng Salita ng Diyos araw-araw ay kailangang-kailangan.
Nang Siya ay nasa lupa, natutunan, minahal, at sinunod ng Panginoong Jesus ang Salita ng Ama. Kung naghahanap ka ng pakikisama sa Kanya, makikita mo Siya sa Kanyang Salita. Tuturuan ka ni Cristo na makipag-ugnayan sa Ama sa pamamagitan ng Salita, tulad ng ginawa Niya sa lupa. Matututuhan mo, tulad Niya, na mamuhay lamang para sa kaluwalhatian ng Diyos at sa katuparan ng Kanyang Salita.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Andrew Murray ay isang pastor sa Timog Africa na sumulat ng maraming libro at maiikling debosyon upang maipakalat ang Salita ng Diyos sa mga taong nasa mga nayon. Pinagsama-sama mula sa karamihan ng mga minamahal na libro ni Murray, ang mga nakapagpapasiglang debosyong ito ay maghahatid ng pang araw-araw na kaaliwan at kaginhawahan sa iyong paglakad kasama ang Diyos.
More