Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Debosyonal ni Andrew MurrayHalimbawa

Andrew Murray Devotional

ARAW 1 NG 7

 PAKIKISAMA SA DIYOS

Ang tatlong persona ng pagka-Diyos ay ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Ang bawat isa ay naiiba sa iba, tulad ng bawat isa sa atin na isang indibidwal. Nais ng Diyos na ihayag ang Kanyang sarili bilang isang tao; Ihahayag Niya ang Kanyang sarili, at ang ating banal na tungkulin ay ang pumasok sa pakikisama sa Kanya.

Lubos na ninanais ng Diyos ang pakikisamang ito sa tao. Ngunit ang kasalanan ay dumating sa pagitan ng tao at ng kanyang Diyos. Maging sa Cristiano, na nag-aakalang kilala niya ang Diyos, kadalasang mayroong malaking kamangmangan at kahit na kawalang-interes sa personal na relasyong ito ng pag-ibig sa Diyos.

Naniniwala ang mga tao na sa pagbabalik-loob ay pinatawad ang kanilang mga kasalanan, na tinatanggap sila ng Diyos upang sila ay mapunta sa langit, at na dapat nilang subukang gawin ang kalooban ng Diyos. Ngunit kakaiba sa kanila ang kaisipan na maaari at dapat silang magkaroon ng mapagpalang pakikisama sa Diyos araw-araw, kung paanong ang isang ama at ang kanyang anak sa lupa ay may kasiyahan sa pagsasama.

Ibinigay sa atin ng Diyos si Cristo, ang Kanyang Anak, upang dalhin tayo sa Kanyang sarili. Ngunit ito ay posible lamang kapag tayo ay namumuhay nang malapit kay Jesu-Cristo. Ang ating relasyon kay Cristo ay nakasalalay sa Kanyang malalim, magiliw na pag-ibig para sa atin. Hindi natin kaya sa ating sarili na suklian ang pagmamahal na ito sa Kanya. Ngunit gagawin ng Banal na Espiritu ang gawain sa atin. Para dito kailangan nating ihiwalay ang ating mga sarili araw-araw mula sa mundo at bumaling sa pananampalataya sa Panginoong Jesus, upang ibuhos Niya ang Kanyang pag-ibig sa ating mga puso (tingnan ang Mga Taga Roma 5:5), at upang tayo ay mapuspos ng malaking pagmamahal sa Kanya.

Mahal na kaluluwa, tahimik na pagnilayan ang kaisipang ito. Maglaan ng oras upang maniwala sa personal na pakikisamang ito. Sabihin sa Diyos ang iyong pag-ibig. Sabihin sa Kanya, “Panginoon, mahal na mahal Mo ako; samakatuwid, taimtim kong ninanais na mahalin Ka nang higit sa lahat.”

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Andrew Murray Devotional

Si Andrew Murray ay isang pastor sa Timog Africa na sumulat ng maraming libro at maiikling debosyon upang maipakalat ang Salita ng Diyos sa mga taong nasa mga nayon. Pinagsama-sama mula sa karamihan ng mga minamahal na libro ni Murray, ang mga nakapagpapasiglang debosyong ito ay maghahatid ng pang araw-araw na kaaliwan at kaginhawahan sa iyong paglakad kasama ang Diyos.

More

Nais namin pasalamatan ang Whitaker House para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.whitakerhouse.com/product/andrew-murray-devotional/