Debosyonal ni Andrew MurrayHalimbawa
JESUS
Dahil ang Panginoong Jesus ay isang tao, mayroon Siyang Kanyang sariling pangalan. Tinawag Siya ng Kanyang ina, Kanyang mga disipulo, at lahat ng Kanyang mga kaibigan sa pangalang ito, ang pangalang Jesus. Ngunit malamang na hindi nila inisip kung ano ang ibig sabihin ng pangalang iyon. At halos hindi alam ng karamihan sa mga Cristiano ngayon kung ano ang kayamanan ng pangalang iyon, ang pangalang Jesus: “Ililigtas Niya ang Kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan.”
Marami ang nag-iisip tungkol sa Kanyang kamatayan sa krus o sa Kanyang gawain sa langit bilang ating Tagapamagitan, ngunit hindi nila napapagtanto na si Jesus ay isang buhay na tao sa langit na iniisip tayo araw-araw at nagnanais na ihayag ang Kanyang sarili. Nais Niyang dalhin natin sa Kanya ang ating pagmamahal at pagsamba araw-araw.
Ang mga Cristiano ay nananalangin kay Cristo na iligtas sila mula sa kanilang mga kasalanan, ngunit kakaunti lamang ang alam nila kung paano ginagawa ang pinagpalang gawaing ito. Ang buhay na Cristo ay naghahayag ng Kanyang sarili sa atin, at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang pag-ibig, ang pag-ibig sa kasalanan ay itinaboy. Sa pamamagitan ng personal na pakikisama sa Kanya, iniligtas tayo ni Jesus mula sa ating mga kasalanan. Ako ay nararapat na lumapit bilang isang indibidwal, kasama ang aking puso at lahat ng kasalanan na nasa loob nito, kay Jesus bilang isang makapangyarihang personal na Tagapagligtas kung saan nananahan ang kabanalan ng Diyos. At habang Siya at ako ay nagkakaisa sa pagpapahayag ng kapwa pag-ibig at pagnanais, sa pamamagitan ng gawain ng Kanyang Banal na Espiritu sa aking puso, ang Kanyang pag-ibig ay magpapalayas at mananaig sa lahat ng kasalanan.
O Cristiano, matatagpuan mo ang lihim ng kaligayahan at kabanalan sa pakikisama kay Jesus araw-araw. Ang iyong puso ay mananabik para sa oras ng panalangin bilang pinakamahusay na oras ng araw. Habang ikaw ay natututong maglaan ng oras na mapag-isa kasama Siya araw-araw, mararanasan mo ang Kanyang presensya, nagbibigay-daan sa iyong mahalin Siya, paglingkuran Siya, at lumakad ayon sa Kanyang mga pamamaraan sa buong araw. Sa pamamagitan ng walang patid na pagsasamahang ito, malalaman mo ang lihim ng kapangyarihan ng isang tunay na maka-Diyos na buhay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Andrew Murray ay isang pastor sa Timog Africa na sumulat ng maraming libro at maiikling debosyon upang maipakalat ang Salita ng Diyos sa mga taong nasa mga nayon. Pinagsama-sama mula sa karamihan ng mga minamahal na libro ni Murray, ang mga nakapagpapasiglang debosyong ito ay maghahatid ng pang araw-araw na kaaliwan at kaginhawahan sa iyong paglakad kasama ang Diyos.
More