Pakikinig sa DiyosHalimbawa
![Listening To God](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1763%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang Pagkilala sa Mabuting Pastol
"Ako nga ang mabuting Pastol. Kung paanong kilala Ako ng Ama at Siya'y kilala Ko, gayundin naman, kilala Ko ang Aking mga tupa at Ako nama'y kilala nila—"Juan 10:14 RTPV05
Nais kong pag-isipan ninyo ang dalawang katanungang ito.
Ano ba ang nangyayari sa pakikipag-usap mo sa iyong Ama sa langit?
Paano ba ang pakikipag-usap sa Kanya?
Tumigil ka sandali at subukan mong ilarawan ang mga karanasan mo tungkol dito.
Ang ipinahihiwatig ko rito ay ang paksa tungkol sa pananalangin. Palagay ko ay maraming tao ang labis na nababahala sa salitang ito na masyadong nagagamit, "panalangin." Masyado natin itong ginagawang espirituwal. Batid naman ng Diyos na tayo ay mga tao lamang, ngunit pinipilit nating mapabilib Siya sa pamamagitan ng "magaling" na panalangin. Pagkatapos, nalilihis tayo hanggang sa sumuko na lamang tayo at "sumubok" na lamang muli sa susunod. Sa ginagawa nating ito, hindi natin nakukuha kung ano talaga ang pananalangin!
Ang panalangin ay ang paraan kung paano tayo nakikipag-ugnayan sa Diyos. At paano ba tayo nais ng Diyos na lumapit sa Kanya sa panalangin? Ang pinakamasidhing nais Niya ay ang makuha ang buong puso, isip, at kalakasan natin tulad ng nababasa natin sa Deuteronomio 6:5, tama?
Unang-una, nais Niyang malugod tayo sa Kanya—ang ituon natin ang ating isipan sa Kanya at hindi sa iyong "panalangin."
Dapat tayong lumapit sa Kanya sa tuwina nang kung paano talaga tayo sa natural, ibinibigay ang mga sarili nating desperado, hindi karapat-dapat, ngunit buung-buong minamahal ng ating lubos na makapangyarihan, lubos na maluwalhati, ngunit lubos ding mapagmahal na Ama. At kapag ginawa natin ito, natatagpuan nating nag-uumapaw tayo sa Kanyang lakas, sa muling pagiging bago, sa Kanyang karunungan, kapayapaan, katuwiran, at kagalakan. Sa Kanyang presensya ay may masaganang buhay. Siya ang Buhay na Tubig at ang Tinapay ng Buhay.
Kapag tayo ay nananalangin, hindi lamang tayo dapat magsalita kundi dapat din tayong makinig. Hangarin nating marinig Siya at sundin ang Kanyang mabuting mga landas. Lumapit sa Kanya nang may kagalakan, lumapit nang may pagsasaya, lumapit kapag may kapaguran, lumapit kapag may pag-aalinlangan o kaya ay natatakot. Lumapit ka sa Kanya kapag ikaw ay nasa gitna ng madilim na libis ng kamatayan. Lumapit sa Kanya at pakinggan ang Kanyang mapang-aliw na mga salita patungkol sa buhay at pag-asa.
Kaya nga, dapat tayong patuloy na lumapit sa Kanya—sa pangkaraniwan at sa lahat ng maaaring maging sitwasyon. sa paggawa natin nito, nagsisimula nating makilala ang ating Pastol. Ang ibig kong sabihin ay ang tunay na makilala Siya.
Para sa akin, ang oras ko para sa tahimik na pananalangin ay tulad ng pag-upo habang umiinom ng mainit na tsaa kasama ang aking pinakamalapit na mga kaibigan. Napakaganda. Magandang bagay ito, tama? Tulad ng itinuturo ni Paul E. MIller sa kanyang aklat na A Praying Life, "Hindi mo makikilala ang Diyos kung ikaw ay nagmamadali. Hindi kayo magiging malapit sa isa't-isa; kailangang gumawa ka ng puwang sa buhay mo para rito."
Ang dalangin ko ay ang nagdaang pitong araw na ito ay nagpalalim ng iyong kaunawaan na ang pakikinig sa Diyos ay, sa tuwina, tungkol sa patuloy mong pagkakilala sa ating mabuting Pastol.
Sabihin mo sa Ama: Sa araw na ito, hahanapin Kita nang buong puso ko, kaluluwa, at kalakasan. Magsisimula ako ngayon, yaong totoong ako, na lalapit sa totoong Ikaw. Patuloy kong ninanais na makilala Ka at makinig pang lalo sa Iyo sa bawat araw.
Inirerekomendang Awit ng Pagsamba Para sa Araw na ito: "Touch the Sky" ng Hillsong United
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Listening To God](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1763%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Sinulat ni Amy Groeschel ang Gabay sa Bibliang ito na tatagal ng pitong araw sa pag-asang ito ay tatanggapin bilang isang mensaheng nanggagaling mula mismo sa puso ng ating mapagmahal na Ama patungo sa puso mo. Ang kanyang panalangin ay maturuan kang maiwasan ang mga naglalaban-labang ingay at gisingin ka upang ipako ang iyong pag-iisip sa Kanyang tinig.
More
Mga Kaugnay na Gabay
![Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1930%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman
![Mabuhay Sa Pamamagitan ng Banal na Espiritu: Mga Gabay na Babasahin ni John Piper](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3841%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mabuhay Sa Pamamagitan ng Banal na Espiritu: Mga Gabay na Babasahin ni John Piper
![Banal na Patnubay](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3670%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Banal na Patnubay
![Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13048%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan
![Buhay na May Integridad](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F2442%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Buhay na May Integridad
![Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11397%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos
![God Is for You](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54859%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
God Is for You
![Iniisip Ka Ni Lord](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54858%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Iniisip Ka Ni Lord
![Bagong Buhay sa Bagong Taon](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54457%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Bagong Buhay sa Bagong Taon
![Bagong Taon, Bagong Pamumuhay](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54853%2F320x180.jpg&w=640&q=75)