Pakikinig sa DiyosHalimbawa
![Listening To God](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1763%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Sino ang Iyong Espirituwal na Lupong Tagapayo?
Madalas ay sasabihin sa iyo ng Diyos ang Kanyang kalooban at karunungan sa pamamagitan ng ibang mga taga-sunod ni Cristo! Hindi ko na kayang bilangin ang mga panahong gumamit ang Diyos ng ibang Cristiano upang maparating ang Kanyang mensahe sa aking puso! Naririnig ko ang Kanyang mga bulong sa pamamagitan ng aking mga pastor, ng podcast, ng aking mga kaibigan, ng aking mga anak, ng blogger, o kaya naman isa sa aking LifeGroup. Sa totoo lang ay tinitingnan ko ang ilan sa kanila bilang aking Espirituwal na Lupong Tagapayo. Ang mga ito ay: ang aking asawa, ang isang nagtuturo sa akin, isang kapareha ko sa pananalangin, isang kaibigan, at ang aking mga magulang.
Ikaw? Hinahanap mo ba at pinakikinggan mo ba ang ilang mga mananampalataya na iginagalang mo? Ang pananatiling nakaugnay sa tuwina sa ibang mga Cristiano (lalo na yaong mga lumalago at matibay ang hawak sa Salita ng Diyos) ay mahalaga para sa iyong pansariling paglalakbay sa pananampalataya.
Ngunit hindi sapat ang pakikinig sa kanila. Madalas mo bang ginagamit o isinasagawa ang payo o karunungang iyong narinig?
Maging matalino at manatiling kasangkot sa Cristianong pamayanan! Makinig sa iyong pamilya ng pananampalataya. Kailangan natin sila, at kailangan nila tayo. Ang babasahin para sa araw na ito mula sa Mga Kawikaan 18:2 ay deretsahang sinasabi sa atin na isang pagkakamali na maging isang taong “akala mo ay alam lahat.”
Para sa akin, ayokong maging isang hangal. Kailangan ko ng tulong. Kailangan ko ng karunungan. Kailangan kong manatiling mapagpakumbaba at madaling turuan upang marinig ko ang pamamatnugot ng Diyos, ang Kanyang pagtatama, at ang Kanyang pagmamahal. Kailangang manatili ang puso kong mapagpakumbaba at madaling turuan. —sapagkat ang Diyos ay madalas na mangungusap sa atin sa pamamagitan ng iba pa Niyang mga anak.
Tanungin mo ang Ama:Sino ang kailangang kasama sa aking Espirituwal na Lupong Tagapayo?
Inirerekomendang Awit ng Pagsamba Para sa Araw na ito: “Set a Fire” ni Will Reagan at ang United Pursuit
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Listening To God](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1763%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Sinulat ni Amy Groeschel ang Gabay sa Bibliang ito na tatagal ng pitong araw sa pag-asang ito ay tatanggapin bilang isang mensaheng nanggagaling mula mismo sa puso ng ating mapagmahal na Ama patungo sa puso mo. Ang kanyang panalangin ay maturuan kang maiwasan ang mga naglalaban-labang ingay at gisingin ka upang ipako ang iyong pag-iisip sa Kanyang tinig.
More
Mga Kaugnay na Gabay
![Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1930%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman
![Mabuhay Sa Pamamagitan ng Banal na Espiritu: Mga Gabay na Babasahin ni John Piper](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3841%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mabuhay Sa Pamamagitan ng Banal na Espiritu: Mga Gabay na Babasahin ni John Piper
![Banal na Patnubay](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3670%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Banal na Patnubay
![Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13048%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan
![Buhay na May Integridad](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F2442%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Buhay na May Integridad
![Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11397%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos
![God Is for You](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54859%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
God Is for You
![Iniisip Ka Ni Lord](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54858%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Iniisip Ka Ni Lord
![Bagong Buhay sa Bagong Taon](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54457%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Bagong Buhay sa Bagong Taon
![Bagong Taon, Bagong Pamumuhay](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54853%2F320x180.jpg&w=640&q=75)