Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pakikinig sa DiyosHalimbawa

Listening To God

ARAW 1 NG 7

Pakikinig sa Tinig ng Diyos

Katulad ni Job, gusto kong pahalagahan (mithiin nang labis) ang Banal na Salita ng Diyos at ang Kanyang paggabay nang higit pa sa aking pang-araw-araw na pagkain. Ganoon ka rin ba? Katulad ng itinuro sa Banal sa Kasulatan sa aklat ng Isaias, nais kong marinig ang tinig na nagsasabi sa likuran ko kung saan ang dapat kong lakaran.

Ngunit, paano ko maririnig ang Kanyang tinig? At, talaga bang nangungusap Siya? Magsaya ka; Ang Diyos ay nagsasalita! Nilikha Niya ang kaloob ng pakikipag-usap. Ang ibig sabihin nito ay talagang nagsasalita Siya, at tayo naman ay may kakayahang makinig sa Kanya—at makakatugon din tayo sa Kanya. Kung ang Diyos ay nagsasalita pa rin, kailangang gawin natin ang lahat ng kaya nating gawin upang makilala natin ang Kanyang tinig at tayo ay makinig! Ang pakikinig ay kailangang-kailangan natin, ngunit madalas, talagang kulang tayo sa tunay na pakikipag-usap.

Kauna-unahan, tingnan natin ang ilan sa mga pamamaraan kung paano magsasalita ang Diyos sa atin.

Nagsasalita ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Salita.Marami nang naipahayag ang Diyos tungkol sa Kanyang kalooban at balak para sa atin sa pamamagitan ng Banal na Salita ng Diyos. Ang paggamit ng oras para sa pagbabasa ng Kanyang Banal na Salita ay isa sa mga pinakamatibay na pamamaraan upang makarinig tayo mula mismo sa Kanya.

Nagsasalita ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga Bulong. Madalas ay banayad Siyang mangungusap sa ating espiritu, at magbibigay Siya sa atin ng mga panaginip, mga pangitain, at/o tuturuan tayo sa pamamagitan ng ating mga sitwasyon. Igagabay din Niya ang ating kaisipan tungo sa Kanyang mga balak.

Ang Diyos ay nagsasalita sa pamamagitan ng Kanyang mga anak.Kung minsan, sasabihin ng Diyos ang nasa puso Niya sa pamamagitan ng ibang mga Cristiano. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng pagbibigay ng lakas ng loob, pagtatama, o sa paggabay.

Ang panalangin ko ay itong pitong araw na babasahing gabay na ito ay manggaling mismo sa puso ng ating mapagmahal na Ama upang turuan kang maiwasan ang mga maiingay na hadlang, gisingin ka upang ituon ang iyong pansin sa Kanyang tinig, at buong-buong mabihag ang iyong puso.

Inirerekomendang Awit ng Pagsamba Para sa Araw na ito: “Yield My Heart” ni Kim Walker-Smith

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Listening To God

Sinulat ni Amy Groeschel ang Gabay sa Bibliang ito na tatagal ng pitong araw sa pag-asang ito ay tatanggapin bilang isang mensaheng nanggagaling mula mismo sa puso ng ating mapagmahal na Ama patungo sa puso mo. Ang kanyang panalangin ay maturuan kang maiwasan ang mga naglalaban-labang ingay at gisingin ka upang ipako ang iyong pag-iisip sa Kanyang tinig.

More

Malugod naming pinasasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng planong ito. Sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: www.life.church