Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang KaloobHalimbawa

The Gift

ARAW 4 NG 5

Sambahin si Jesus Sa Kanyang Nagawa — Ang Ating Tagapagligtas

Ano ang pinakamagandang regalo na naibigay sa iyo?

Marahil ito ay isa lamang maingat na pinili, napapanahong regalo na isinorpresa ng isang mahal mo sa iyo. Marahil isang regalo na nagkakahalaga ng higit sa inaakala mong karapat-dapat para sa iyo. Marahil isang bagay na hindi mo alam na gusto mo.

Bagama't kailanman ay hindi ito nararapat sa atin o hindi natin ito kayang makamit, si Jesus ay nagsakripisyo nang napakalaki para lamang sa atin. Noong tayo'y makasalanan pa—batid natin ang ating mga pagkakamali at bago pa natin siya minahal—Pinili ni Jesus na mamatay para sa atin upang maari nating piliing magkaroon ng kaugnayan sa Diyos.

Ang katotohanang iyon lamang ay sasapat na upang tayo ay mapuno ng paghanga at pasasalamat—at tulad ng mga tatlong hari, dapat itong maging dahilan ng ating pagsamba.

Habang sinasamba nila si Jesus, ang mga hari ay nagbigay kay Jesus ng pangwakas na regalo: mira.

Ang mira ay maraming iba't-ibang gamit ngunit kadalasang nauugnay sa pagdurusa at kamatayan. Ang mira ay ginamit bilang langis na pampahid sa Lumang Tipan upang ihanda ang templo at mga pari o pinuno. Ginamit din ito sa Bagong Tipan bilang isang langis na pang-embalsamo at bilang gamot na nagpapagaan sa pagdurusa ng mga taong ipinapako sa krus.

Tulad sa ibang mga regalo, ang mira ay naglalarawan kung sino si Jesus:

  1. Ang Nag-Iisang Binahiran ng Kabanalan. Si Jesus ay binahiran ng Espiritu Santo upang mangaral ng Ebanghelyo, upang pagalingin tayo, at palayain tayo (Luc. 4: 16-19).
  2. Isang Nagdurusang Tagapaglingkod.  Hindi ininom ni Jesus ang mira upang mapagaan ang Kanyang pagpapahirap sa krus (Marcos 15:23). Pinasan Niya ang buong bigat ng ating mga kasalanan at dinanas ang lahat ng sakit at pagdurusa para sa atin. At sa kabuuan ng Kanyang ministeryo, nakita natin ang pusong mapaglingkod ni Jesus.
  3. Ang Pinakadakilang Sakripisyo. Ginawa ni Jesus ang pinakadakilang sakripisyo —Ang kanyang buhay para sa atin. Siya ang nagdusa at nagbayad para sa mga kasalanang hindi Niya ginawa.

Habang iniisip mo ang tungkol sa lahat ng mga nagawa at nakamit ni Jesus sa panahon ng Kanyang ministeryo sa mundo, hayaan mong maakay ka sa pagsamba. Ang pagsambang iyon ay maaaring sa maraming iba't-ibang mga bagay. Maaaring pagpagpapakita ng pasasalamat kay Jesus sa pamamagitan ng pagpupuri sa Kanya kung sino Siya. Maaaring paghihirap para kay Cristo. Maaaring pagpapalawig ng biyaya ng tulad kay Cristo at pagmamahal sa kapwa. Ang pagsamba ay isang magandang halimbawa na ipinakita sa atin ng tatlong hari at ito'y ganap pa ring mahalaga sa ating buhay ngayon.

Ang kapaskuhan ay maaaring maging abala, at napakaraming mga bagay na gagawin. Tulad ng tatlong pantas, nawa'y alalahanin natin at igalang ang regalong ibinigay sa atin ni Jesus. Huwag sana tayong maging abala o maguluhan na nakakalimutan na nating alalahanin ang Siyang tunay nating ipinagdiriwang at ang pinakamagandang regalong natanggap natin.

Manalangin: Panginoon, salamat sa Iyong paghihirap para sa akin at sa pinakamagandang regalo sa lahat—and Iyong buhay. Napakagandang regalo at sakripisyo ang ginawa Mo, Jesus. Hindi ako lubos na makapagpasalamat sa Iyo. Ipaalala Mo sa akin ang Iyong biyaya at ang Iyong pag-ibig ngayon, at tulungan Mo akong magkaroon ng isang mapagsakripisyo at mapaglingkod na puso katulad Mo, amen.

Magsanay: Maglaan ng sobrang oras o lakas upang mag-abot ng biyaya, pag-ibig, o kabutihan sa isang tao ngayon.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

The Gift

Ito ang pinakamagandang panahon ng taon, ngunit madalas ay natatagpuan natin ang ating mga sariling nagsusumikap sa panahong patungo sa Kapaskuhan. Sa Paskong ito, ano kaya kung balikan nating muli ang pagkamangha? Sa 5-araw na Gabay sa Biblia na kasama sa serye ni Pastor Craig, ang The Gift, matutuklasan natin kung paanong ang tatlong kaloob na ibinigay kay Jesus ng mga matatalinong tao ay magdadala sa atin sa lugar ng pagkamangha at pagsamba ngayon.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/