Ang KaloobHalimbawa

Sambahin si Jesus Sa Kanyang Ginagawa—Ang aming Diyos, Pari, at Tagapagpagaling
Ang susunod na regalo na dinala ng mga pantas kay Jesus ay ang kamangyan. Katas.
Oo, ang kamangyan ay pinatuyong katas mula sa mga puno. Partikular na mga punong tumutubo sa at paligid ng timog na dulo ng Arabian peninsula[.
Una, ang isang espesyal na kutsilyo ay bubutas sa puno ng Boswellia sacra kung saan ang katas ay magsisimulang tumulo. Ang unang katas nito ay hindi kinokolekta, nililinis lamang nito ang mga karumihan.
Paglaon, maraming mga hiwa ang ginagawa upang palabasin ang isang dalisay na likido. Habang natutuyo ang katas, lumilikha ito ng tinutukoy sa industriya bilang isang "luha." Ang mga luhang ito ay kinokolekta mula sa puno, dinudurog, at ibinebenta bilang kamangyan.
Ang kamangyan na inihatid kay Jesus ay naglakbay (malamang sa pamamagitan ng kamelyo) sa buong disyerto ng Arabia tulad ng inilarawan sa Isaias 60:6. Sa oras na iyon, mas sulit sana ang bigat nito kaysa sa ginto. Ngunit sa layunin at gamit ng regalong ito natin talagang masisimulang makikita ang halaga nito. Ang kamangyan ay madalas na sinusunog bilang isang uri ng insenso. Sa katunayan, ang kasaysayan ng mismong salita ay tumutukoy sa isang bagay tulad ng dalisay o de-kalidad na insenso.
Sa buong kasaysayan ng Lumang Tipan, ang purong insenso na ito ay ginamit ng mga pari sa templo bilang bahagi ng ritwal sa pagsamba at pagsasakripisyo para sa Diyos upang pagtakpan ang mga kasalanan. Ginamit din ito ng regular sa buong sinaunang mundo bilang isang gamit sa pagpapagaling.
Kamakailan lamang, ang siyentipikong pananaliksik ay nagpahiwatig na ang kamangyan ay mayroon pa ring mga kapangyarihan para sa pagpapagaling, lalo na laban sa ilang uri ng mga kanser. Nang kapanayamin ng BBC, ipinaliwanag ng immunologist na si Mahmoud Suhail, “Nagsisimula ang kanser kapag ang DNA code sa loob ng nukleus ng selula ay nasira. Tila ang kamangyan ay may kakayanang mag-reset. Maaari nitong sabihin sa selula kung ano ang tamang code ng DNA.”
Bakit dinala ng mga pantas ang regalong kamanyan sa sanggol na si Jesus? Alam man nila o hindi, dinala nila marahil ang tanging sangkap na maaaring sabihin sa kuwento ni Jesus na inihula sa Isaias 53: 5 RTPV05:
Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya Siya nasugatan; Siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas Niya at sa mga hampas na Kanyang tinanggap.
Ginawa ito ni Jesus, at ginagawa ito ni Jesus. Tulad din ng bahagi ng puno ng Boswellia sacra na dinurog upang lumikha ng kamangyan, si Jesus ay dinurog upang Siya ay maging tagapagpagaling natin—ang pinakadakilang pari na nag-alay ng Kanyang buhay bilang pangwakas at perpektong sakripisyo para sa ating kasalanan at Siya pa rin ang lumalapit sa Diyos para sa atin. Siya ang may kakayahang mag-reset upang lahat ay gawing tama. Siya ang ating kapayapaan.
Manalangin: Jesus, salamat dahil ikaw ang nag-ayos upang gawin kaming matuwid sa Diyos. Salamat sa Iyong patuloy na pamamagitan para sa amin at para sa lahat ng mga paraan ng pagpapagaling mo sa amin, pinanunumbalik mo kami, binibigyan kami ng kapayapaan, at ipinapakita sa amin na Ikaw ay kasama namin. Amen.
Magsanay: Paano mo siya sasambain sa Kanyang ginawa at ginagawa pa rin hanggang ngayon? Paano ka makakaasa sa Kanya bilang iyong pari at tagapagpagaling?
Tungkol sa Gabay na ito

Ito ang pinakamagandang panahon ng taon, ngunit madalas ay natatagpuan natin ang ating mga sariling nagsusumikap sa panahong patungo sa Kapaskuhan. Sa Paskong ito, ano kaya kung balikan nating muli ang pagkamangha? Sa 5-araw na Gabay sa Biblia na kasama sa serye ni Pastor Craig, ang The Gift, matutuklasan natin kung paanong ang tatlong kaloob na ibinigay kay Jesus ng mga matatalinong tao ay magdadala sa atin sa lugar ng pagkamangha at pagsamba ngayon.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Diyos ay Kasama Natin

Maligaya & Maliwanag: Pagdiriwang ng Pasko Araw-araw

Mga Mapanganib na Panalangin

Kagalakan: Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang Pasko

Manalanging May Pagkamangha sa Pasko

Pagmamahal

Fruit of the Spirit

May Power Ang Words Natin

Walong Araw, Walong Aral. Para sa Holy Week
