Kalayaan Mula sa Pornograpiya Kasama si John BevereHalimbawa
Putulin ang Tukso
Kahapon, pinag-usapan natin ang kahalagahan ng pagbabago ng ating mga isipan. Upang makalakad sa kalayaan, kailangan mo ng bagong pag-iisip na ayon sa katotohanan ng Salita ng Diyos at hindi sa mga kasinungalingan ng kaaway na pinananatili ka sa pagkaalipin. Iyan ay isang napakahalagang aspeto sa iyong paglalakbay patungo sa kalayaan—at ito ay isang paglalakbay. Hindi ito mangyayari nang magdamagan lamang.
Samantala, habang ang iyong isip ay binabago at habang natututo kang dalhin ang bawat kaisipan sa pagsunod kay Cristo, napakahalagang maglagay ka ng mga wastong hangganan sa iyong buhay.
Nagbababala sa atin ang Biblia na: "Ang daan ng kasamaan ay huwag mong lalakaran, at ang buhay ng masama, huwag mo ngang tutularan. Kasamaa'y iwasan mo, ni huwag lalapitan, bagkus nga ay talikuran mo, tuntunin ang tamang daan" (Mga Kawikaan 4"14-15 RTPV05).
Kung gusto mong makalaya mula sa kasalanan, kailangan mong umiwas sa daang patungo rito. Ikaw lamang ang nakakaalam ng mga partikular na bagay na nag-uudyok sa iyo—mga bagay na nagdadala sa iyo pababa sa madilim na daan. Panahon na upang maging tapat ka sa mga bagay na ito at putulin mo sila sa iyong buhay.
Para sa marami sa inyo, mangangahulugan ito ng pagbubura ng ilang mga apps sa inyong telepono, o maging sa pagtatanggal ng Internet sa loob ng ilang panahon. Nakakatulong din sa maraming tao ang nalilimitahan ang kanilang kakayahang maglagay ng apps sa kanilang telepono sa pamamagitan ng paglalagay dito ng password, na kontrolado ng isang mabuting kaibigan na magiging kakampi mo sa iyong paglalakbay patungo sa kalayaan. Makakatulong din na maglagay ng accountability software sa lahat ng ginagamit mong aparato upang lahat ng mga ginagawa mo sa mga ito ay madadala sa liwanag.
Ang pangunahing bagay na nais kong makuha mo mula rito ay ito: habang binabago mo ang iyong isipan, at maging pagkatapos nito, mabuting gumawa ng mga angkop na gawain upang lumayo sa tukso. Ang Banal na Kasulatan ay malinaw sa pagsasabing dapat tayong lumayo mula sa sekswal na imoralidad—at hindi ang subukan kung gaano ka maaaring lumapit sa linya nang hindi tumatawid dito. Kung gusto mong makalaya, kailangan mong tumigil sa pakikipaglaro sa kasamaan at simulang tumakbong palayo mula rito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi ito isang gabay na bubugbog sa iyo, na magsasabi sa iyong doblehin mo ang iyong pagsisikap, at ayusin mo ang iyong buhay. Ang gabay na Kalayaan Mula sa Pornograpiya ay aakayin ka, kakatagpuin ka kung saan ka naroon, at sasamahan ka patungo sa kalayaan nang may biyaya at katotohanan.
More