Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kalayaan Mula sa Pornograpiya Kasama si John BevereHalimbawa

Porn Free With John Bevere

ARAW 1 NG 5

 Bakit Gusto Mong Maging Malaya?

Kung ang iyong karanasan ay katulad sa akin, nalantad ka sa pornograpiya sa murang edad. Labindalawang taon ako nang ipinakita sa akin ng kaibigan ko ang isang magasin, at iginapos na ako nito. 

Noong ako ay maligtas, ang ilang pakikibaka ay agad na nawala. Tumigil akong mamuhay na parang isang batang-frat, pagdalo sa mga pagtitipon at sobra-sobrang pag-inom ng alak. Daglian akong napalaya mula sa pagmumura. Ngunit ang pakikibaka ko sa pornograpiya ay naging mas mahirap, na tumagal pa hanggang sa mga unang taon ng aking buhay may-asawa. Tila kahit anong pagsusumikap ko, hindi pa rin ako makalaya. 

Pagkatapos, nag-ayuno ako sa loob ng apat na araw, at ganap akong nakalaya. 

Nagtataka, tinanong ko ang Diyos kung bakit, sa napakahabang panahon, tila hindi ako makawala anuman ang gawin ko —ngunit isang araw, ang pagkaalipin ay biglang naputol. Ang ipinakita Niya sa akin ay, bago ako nakalaya, namighati ako dahil sa aking kasalanan, ngunit ito ay maling uri ng pamimighati. 

Sinasabi sa atin ni Pablo, "Sapagkat ang kalungkutang buhat sa Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi at pagbabago tungo sa kaligtasan. Ngunit ang kalungkutang dulot ng mundo ay humahantong sa kamatayan" (2 Mga Taga-Corinto 7:10 RTPV05).  

Nang hindi ako makalaya, natakot ako kung anong magiging bunga ng patuloy kong pakikibaka sa aking buhay. Hindi ko gustong masira ang aking ministeryo o ang aking buhay may-asawa. 

Bago dumating ang panahong ako ay nakalaya, ang lahat ay nagbago, at nagsimula kong ipinagdalamhati na ang kasalanan ko ay nakakasakit sa damdamin ng mga minamahal ko. Ito ay kalumbayang mula sa Diyos—isang kalumbayang inudyukan hindi ng pampersonal na kawalan, kundi ng pagmamahal sa Diyos at sa ibang tao. At ito ay nagbunga ng isang malalim na pagsisisi sa aking puso. 

Kung ikaw ay nahihirapang makalaya, ang unang tanong na kailangan mong itanong sa iyong sarili ay: "Sino ang pinagtutuunan ko ng aking kalumbayan?" Ako ba ay may makamundong kalumbayan, na natatakot sa magiging bunga sa akin ng aking kasalanan? O ako ba ay may kalumbayang mula sa Diyos, na dala ng totoong pag-ibig? 

Ang unang uri ng kalumbayan ay magpapanatili sa iyong pagkakagapos. Ang huli ay magdadala sa iyo sa kalayaan. 

Sa araw na ito, nais kong manalangin ka na bigyan ka ng Diyos ng makadiyos na kalumbayan. Hilingin mong mapalapit ka pa sa Kanya nang lubusan, at tunay ngang magdadalamhati ka sa anumang kasalanang maaring makahadlang sa inyong pagkakalapit. Kapag tama ang motibo mo, ito ang nagbibigay ng pagkakaiba. 

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Porn Free With John Bevere

Hindi ito isang gabay na bubugbog sa iyo, na magsasabi sa iyong doblehin mo ang iyong pagsisikap, at ayusin mo ang iyong buhay. Ang gabay na Kalayaan Mula sa Pornograpiya ay aakayin ka, kakatagpuin ka kung saan ka naroon, at sasamahan ka patungo sa kalayaan nang may biyaya at katotohanan.

More

Nais naming pasalamatan sina John at Lisa Bevere (Messenger Int'l) para sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://www.messengercourses.com/porn-free