Ang Pinakamalaking Desisyon ng Iyong Buhay!Halimbawa
"Bautismo sa Tubig: Isang Pampublikong Kapahayagan ng isang Nabagong Buhay"
Ang bautismo sa tubig ay isang mahalagang paraan upang ipahayag sa publiko ang tungkol sa iyong kaligtasan. Ipinagdiriwang ng bautismo sa tubig ang katapusan ng lumang pamamaraan ng buhay at ang pagsisimula ng isang bagong buhay. Itinuro ni Jesus ang kahalagahan ng bautismo sa tubig sa Kanyang mga alagad bago Siya umakyat sa langit pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Sinabi Niya,
"Kaya't habang kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo." Mateo 28:19
Sa kabuuan ng Bagong Tipan, hindi na mabibilang ang kuwento ng mga mananampalatayang nagpabautismo. Ang bautismo sa tubig ay may mahalagang pagsasagisag sa taong nagpapabautismo, at pati na rin sa mga nanonood sa kanya. Ang bautismo sa tubig ay hayagang inilalarawan: ang katapusan ng iyong dating buhay sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig; ang paninimula ng iyong bagong buhay kay Cristo sa pag-ahon mo mula sa tubig kung saan ikaw ay nilinis, ginawang dalisay at isang bagong nilalang ng Diyos.
Inilalarawan ng Lucas 3:3 ang bautismo sa tubig bilang "bautismo ng pagsisisi," at binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng pampublikong pagpapahayag ng pagtalikod natin mula sa ating lumang buhay at sa kasalanan. Bagama't hindi tayo naililigtas ni natatakpan ang ating kasalanan ng bautismo sa tubig, sinasagisag nito ang isang mahalagang papel sa ating buhay Cristiano - isang pagpapahayag na tayo ay bagong nilalang na, isang buhay na binago na! Kung may tao mang hindi kinailangang gumawa ng ganitong pagpapahayag, ito ay si Jesus, na namuhay ng isang buhay na walang pagkakasala dito sa mundo. Ngunit sinasabi sa Lucas 3:21 na,
"Nang mabautismuhan na ni Juan ang mga tao, binautismuhan din niya si Jesus." Lucas 3:21
Si Jesus ay binautismuhan upang sumunod tayo sa Kanyang halimbawa. Ang kahalagahan ng bautismo sa tubig ay hindi matatawaran. Kung hindi ka pa nabautismuhan sa tubig, kinakailangang gawin mong prayoridad ang pagpapabautismo sa tubig. Tinuturuan tayo ng Biblia na gawing isang pampublikong pagpapahayag ang ating kaligtasan, at karamihan sa mga simbahang naniniwala sa Biblia ay nagbibigay ng maraming pagkakataon upang tayo ay mabautismuhan sa tubig. Ang pagsunod sa halimbawa ni Jesus ay laging isang magandang panukala na walang pagkatalo. Pagpapalain ka ng Diyos at gagantimpalaan ka sa iyong katapatan at pagsunod sa Kanya!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maraming mga desisyon sa buhay ang mahalaga para sa isang bagay. Gayunpaman, isa lamang ang pinakamahalaga. Kung ikaw ay naghahanap ng isang simpleng gabay para sa mas malalim na kaunawaan ng di-pangkaraniwang desisyon na ito - ang libreng kaloob ng Diyos na kaligtasan - magsimula ka rito. Kinuha mula sa aklat na “Out of this World; A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt.
More
Nais naming pasalamatan ang Dalawampung20 Faith, Inc. sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.twenty20faith.org/yvdev3