Ang Pinakamalaking Desisyon ng Iyong Buhay!Halimbawa
"Dapat Ka bang Papasukin ng Diyos sa Langit?"
Sandaling isipin na ang iyong oras dito sa mundo ay dumating na sa hindi inaasahang katapusan. Sa lubhang pagtataka mo, nakita mo ang sarili mong nakatayo sa harapan ng iyong Tagapaglikha. Habang ang iyong pagkalito at pagkagulat ay napapalitan ng pananabik at pagkatuwa dahil sa wakas ay makikita mo na ang pangwalang-hanggang tahanan mo, bigla kang pinahinto sa iyong pagpasok. Tinanong ka ng Diyos ng isang malalim na katanungan, "Bakit kita dapat papasukin ng langit?"
Paano kang sasagot?
Salamat na lang, kapag dumating ang dakila at napakagandang araw na iyon para sa bawat isa sa atin, hindi hihingin ng Diyos na tapusin natin ang isang pagsusulit bago tayo makapasok. Gayunman, ang sitwasyong ito ay nagbibigay ng isang paglalarawang mahalaga at pumupukaw ng ating kaisipan na naglalayong tulungan tayo upang mas maunawaan ang tungkol sa kaligtasan.
Ang ilan ay maaaring sumagot sa tanong ng Diyos sa pamamagitan ng pagbanggit sa mabubuting bagay na kanilang ginawa. Ang iba naman ay ilalarawan ang kanilang matapat na pagpunta sa simbahan, at ang iba pa ay maaaring ilista ang lahat ng masasamang bagay na kanilang iniwasan sa buhay nila. Bagama't ang mga ito ay mahahalagang bahagi ng buhay ng bawat Cristiano, hindi ito nagbibigay-katiyakan ng kaligtasan. May isang tamang sagot lamang sa katanungang ito:
"Ginawa kong Panginoon ng aking buhay si Jesu-Cristo, at nilinis Niya ako sa lahat ng mga kasalanan ko."
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maraming mga desisyon sa buhay ang mahalaga para sa isang bagay. Gayunpaman, isa lamang ang pinakamahalaga. Kung ikaw ay naghahanap ng isang simpleng gabay para sa mas malalim na kaunawaan ng di-pangkaraniwang desisyon na ito - ang libreng kaloob ng Diyos na kaligtasan - magsimula ka rito. Kinuha mula sa aklat na “Out of this World; A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt.
More
Nais naming pasalamatan ang Dalawampung20 Faith, Inc. sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.twenty20faith.org/yvdev3