Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pinakamalaking Desisyon ng Iyong Buhay!Halimbawa

Ang Pinakamalaking Desisyon ng Iyong Buhay!

ARAW 4 NG 6

"Kaligtasan: Ang Bahagi ng Diyos at ang Bahagi Mo"


Nagdadala ng dalawang mahahalagang desisyon ang iyong kaligtasan. Ang unang desisyon ay matagal na panahon nang ginawa ng Diyos na ipadadala Niya ang Kanyang Anak dito sa mundo upang maging nag-iisang Tagapagligtas natin. Ang pangalawa ay ang iyong desisyong tanggapin ang Kanyang Anak bilang IYONG Tagapagligtas.


"Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman." Mga Taga-Efeso 2:8-9


Ang BIYAYA ay sinasabing ang hindi tampat at hindi pinaghirapang pabor. Ang biyaya ang bahagi ng Diyos sa kaligtasan at ibinibigay Niya ang Kanyang pabor sa sangkatauhan sa pamamagitan ng ganap na kaloob, Si Jesu-Cristo. Sa pamamagitan ng krus, ibinigay ni Jesus ang buong kabayaran para sa kaparusahan ng ating mga kasalanan. At sa pamamagitan ni Jesus, ang biyaya ng Diyos na nagkatawang-tao, hindi mabubuting gawa ang makatutumbas dito, o maaari nating maging kabayaran. Hindi natin kayang pagtrabahuhan ang ating kaligtasan; ito ay isang libreng kaloob para sa lahat, na walang hinihinging kabayaran mula sa atin.


Ang PANANAMPALATAYA ay ipinakakahulugan bilang katibayan ng isang bagay na umiiral kahit na ito ay hindi nakikita o nahahawakan. Ang pananampalataya ay kailangan para sa ating bahagi sa kaligtasan, at sa pamamagitan ng pananampalataya, bilang isang pagpapakita ng ating kalooban, pinipili nating isuko ang ating mga buhay sa Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap natin kay Jesus bilang Panginoon ng ating buhay. Dahil natanggap natin sa pamamagitan ng pananampalataya ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, tayo ay walang duda at walang pag-aalinlangang nakatadhanang kasama ng Diyos sa langit magpawalang-hanggan. 100 porsiyentong sigurado ka sa katotohanang iyan!


Bagama't ang mabubuting gawa ay hindi makapagbibigay sa iyo ng kaligtasan, may ginagampanan pa rin itong mahalagang papel sa ating buhay Cristiano pagkatapos nating tanggapin si Jesus.


"Sapagkat tayo'y nilalang ng Diyos; nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti. Iyan ang layuning pinili ng Diyos para sa atin noong una pa man." Mga Taga-Efeso 2:10


Ang Diyos ay may natatanging layunin para sa bawat isa sa atin, at ang mga detalye nito ay nasa sa inyong dalawa lamang. Ngunit ang Diyos ay may iisang layunin para sa lahat ng Kanyang mga anak, at iyon ay ang pakilusin natin ang ating pananampalataya sa pamamagitan  ng mabubuting gawa. Kapag ginawa natin ito, tinutupad natin ang isang mahalagang bahagi ng plano ng Diyos sa ating buhay, at may karangalan tayong papagliwanagin ang Kanyang pag-ibig sa ibang tao. Ang kaligtasan ay bagong panimula at isang katapusan din at ito ay dapat nating ipagdiwang. Ikaw ay isang bagong nilalang, at habambuhay na binago na!

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Pinakamalaking Desisyon ng Iyong Buhay!

Maraming mga desisyon sa buhay ang mahalaga para sa isang bagay. Gayunpaman, isa lamang ang pinakamahalaga. Kung ikaw ay naghahanap ng isang simpleng gabay para sa mas malalim na kaunawaan ng di-pangkaraniwang desisyon na ito - ang libreng kaloob ng Diyos na kaligtasan - magsimula ka rito. Kinuha mula sa aklat na “Out of this World; A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt.

More

Nais naming pasalamatan ang Dalawampung20 Faith, Inc. sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.twenty20faith.org/yvdev3