Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Buhay Na Masagana | 5-Day Video Series from Light Brings FreedomHalimbawa

Buhay Na Masagana |  5-Day Video Series from Light Brings Freedom

ARAW 3 NG 5

Hindi masama ang pera.

Hindi masama ang pera, pero ang labis na pagmamahal sa pera ay masama.

Pag-isipang mabuti. Ang pagkagahaman sa pera ay malaking motibo sa iba upang gumawa ng masama. Madalas nagsisinungaling ang mga tao at hindi nagiging tapat upang makakuha ng pera. Marami ay nanunuhol, nagnanakaw, at gumagawa ng mga krimen tulad ng hold-up, pagbebenta ng droga at kidnapping.

Iniisip ng marami na ang pagkakaroon ng maraming pera ay ang magpapasaya sa kanila. Pero ang totoo, kung nakadepende ka sa pera upang maging masaya, palagian ka na lang mabibigo. Hindi naman nabibili ng pera ang totoong kasiyahan. Hindi rin mabibili ng pera ang pagmamahal. Ang Diyos lang ang maaaring magbibigay sa'yo nito.  

Ang Tamang Perspektibo

Kailangan natin ng tamang pananaw patungkol sa pera. Importante ang salapi, pero ito'y isang simpleng kagamitan lamang. Piliin nating bigyan ng kaluguran ang Diyos sa pamamagitan ng kasangkapang ito at gamitin ang pera sa nararapat.

Magandang maging maunlad, ngunit huwag mong hayaang kontrolin ka ng pagkagahaman. Ang pagiging kontento ay hindi makikita sa mga materyal na bagay, tao o mga pangyayari. Ang totoong kasapatan at pagiging kontento ay matatagpuan lamang kay Jesu-Cristo.

Sa totoo lang, sinabi ng Diyos na huwag tayong mag-alala patungkol sa pera. Ipinangako Niyang Siya'y ating Provider. Maaari natin Siyang pagtiwalaan na Siya'y tapat na i-provide ang lahat ng ating pangangailangan.

Tandaan natin: Kung pinipili mo ang Diyos na maging iyong priority, Siya'y tapat at ibibigay ang lahat mong kailangan.

Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:

  • Pagpalain ka ng lubos at nang mapagpala mo rin ang iba.
  • Turuan ka kung paanong magdesisyon ng tama na nauukol sa pananalapi. 
  • Ipakita ang Kaniyang katapatan sa aspetong pinansiyal.

Pag-isipan:

  • Anong mga bagay ang aking pinahahalagahan?
  • Ang aking self-worth ba ay base sa financial status ko?
  • Pinagtitiwalaan ko ba ang Diyos upang maging aking provider? 

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos. 

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Buhay Na Masagana |  5-Day Video Series from Light Brings Freedom

Si Jesus ang Manlilikha ng buhay - Siya lamang ang may disenyo sa bawat aspeto ng buhay natin. Ibig sabihin, alam Niya ang kailangan nating gawin para maging mapalad at matagumpay. Gusto mo ba ng ganitong klaseng buhay? Isang masaganang buhay... May integridad... Pinagpapala sa pinansiyal... Matatag ang emosyon? Paano nga ba? Matatagpuan natin ang mga sagot na kailangan natin sa Salita ng Diyos. Video series from Light Brings Freedom.

More

Nais naming pasalamatan ang Bridge To The Islands & Nations Ministries at ang kanilang ministeryo sa pagiging alagad, ang Light ay nagdadala ng Kalayaan sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lightbringsfreedom.com/