Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Buhay Na Masagana | 5-Day Video Series from Light Brings FreedomHalimbawa

Buhay Na Masagana |  5-Day Video Series from Light Brings Freedom

ARAW 1 NG 5

Kahit na wala ka nang nakikita...

Isang gabi, nasunog ang isang bahay at napilitan ang isang batang lalaki na umakyat sa bubong upang makalabas. Mabilis na lumakas ang apoy at gumagrabe ang kanyang sitwasyon at hindi siya makababa. Nasa labas ang tatay at sumigaw siya, "ANAK! Talon! Sasaluhin kita." Kailangang tumalon ang anak para maligtas ang buhay nito. Pero natatakot ang bata at ayaw tumalon. Ang nakikita niya lamang ay ang apoy at ang makapal na usok. Patuloy na sumisigaw ang kaniyang tatay: "ANAK! Talon! Sasaluhin kita." Pero sinabi ng bata, "Tay, natatakot ako! Wala akong makita!" Sumagot ang ama, "Pero nakikita kita anak, at 'yun ang mahalaga."  

Kung ikaw ang bata sa kwento, pipiliin mo bang tumalon kahit na wala kang nakikita?  

Nakikita ka Niya.

Araw-araw, kinakaharap natin ang desisyong pagtiwalaan ang Diyos. Kahit na hindi natin nakikita ang Diyos sa ating pisikal na mata, nagtitiwala tayo sa isang Diyos na nakakakita sa atin. Kailangan piliin nating lumakad sa pananampalataya, hindi lamang sa kung anong nakikita natin.

Maaaring maraming bagay ang sumisira sa ating pananampalataya: personal na katanungan, pag-aalinlangan o pag-uusig mula sa ibang tao. Minsan ang ating pananampalataya ay pinapadaan sa apoy ng pagsubok. Kung ito'y mananatiling matatag, madadalisay ito na parang ginto.  

Siya'y Mabuting Ama

Ang Diyos ay mabuting Ama sa atin. Alam Niya ang lahat ng ating pangangailangan, nauunawaan at minamahal Niya tayo ng buong-buo. Hindi Niya tayo binibigo. Lagi Niyang tinutupad ang Kaniyang mga pangako sa atin. Hindi Niya tayo pinapabayaan kahit na kailan. Ipagkakatiwala mo ba ang buhay mo sa Kaniya?  

Tandaan natin: Kung pakiramdam mo ngayon hindi mo na nakikita kung saan ka pupunta o kung anong nangyayari, panatilihin mo ang iyong paningin kay Jesus. Hindi ka Niya pababayaan.

Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:

  • Ipakitang Siya'y mabuting Ama.
  • Bigyan ka ng lakas ng loob na magtiwala sa Kaniya ng buong-buo.
  • Patnubayan ang iyong mga hakbang habang nananatili ang iyong mga mata sa Kaniya.

Pag-isipan:

  • Ano ang pumipigil sa akin upang pagtiwalaan ng buo ang Diyos?
  • Bakit gusto ng Diyos na panatilihin ko ang paningin ko sa Kaniya?
  • Anong klaseng Ama ang Diyos? 

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos. 

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Buhay Na Masagana |  5-Day Video Series from Light Brings Freedom

Si Jesus ang Manlilikha ng buhay - Siya lamang ang may disenyo sa bawat aspeto ng buhay natin. Ibig sabihin, alam Niya ang kailangan nating gawin para maging mapalad at matagumpay. Gusto mo ba ng ganitong klaseng buhay? Isang masaganang buhay... May integridad... Pinagpapala sa pinansiyal... Matatag ang emosyon? Paano nga ba? Matatagpuan natin ang mga sagot na kailangan natin sa Salita ng Diyos. Video series from Light Brings Freedom.

More

Nais naming pasalamatan ang Bridge To The Islands & Nations Ministries at ang kanilang ministeryo sa pagiging alagad, ang Light ay nagdadala ng Kalayaan sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lightbringsfreedom.com/