Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Buhay Na Masagana | 5-Day Video Series from Light Brings FreedomHalimbawa

Buhay Na Masagana |  5-Day Video Series from Light Brings Freedom

ARAW 2 NG 5

Pagsuko

Ang salitang "pagsuko" madalas ay tila ba nananawagan ng negatibong emosyon. Inaakala natin din natin na ang salitang "pagsuko" ay katumbas ng "pagkatalo" o "pagtalikod".

However, maganda ang ibig sabihin ng "pagsuko" sa espirituwal. Ibig sabihin, ito ang pagpili na ibigay lahat kay Jesu-Cristo at gawin Siyang Hari at Panginoon ng ating buhay. 

Sa praktikal, papaano ba ito? Ang ibig sabihin, wala ka na sa pwesto ng driver sa sasakyan ng iyong buhay. Ibig sabihin pinili mong pasakop sa Diyos sa iyong mga desisyon kung papaano ka mamumuhay. Ito ang pamumuhay ng naaayon sa Kaniyang plano, hindi lang sa sarili mong gusto.

Ang Pinakamaganda sa Pagsuko

Alam ng Diyos ang gusto Niya at ang best para sa'yo. 

Ipinangako Niyang maglalagay Siya ng mga maka-Diyos na awtoridad (tulad ng mga magulang, church leaders at ng mga nasa gobyerno) sa ating buhay upang turuan tayo sa tama. Ang mga awtoridad ay hindi pahirap, ngunit sila'y inilagay ng Diyos upang tayo'y pagpalain. Inilagay sila ng Diyos upang tayo'y protektahan, gabayan, at manatili tayong ligtas.

Marami ang mga matitigas ang ulo at pinipilit na mamuhay ng hindi nakapasakop sa leadership ng Diyos. Ang masaklap, kinakailangan nilang humarap sa kahihinatnan ng hindi nila pagpapasakop, ngunit ito sana'y maaaring maiwasan.   

Tandaan natin: Sa pamamagitan ng pagsuko ng ating buhay sa Diyos, pinipili natin Siya bilang Panginoon at Hari ng ating buhay.   

Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:

  • Maglagay ng mga maka-Diyos na awtoridad para ikaw ay gabayan.
  • Akayin ka sa pinaka-the best na daanan sa iyong buhay.
  • Pagpalain ka sa pagsuko mo sa Kaniya.

Pag-isipan:

  • Bakit gusto ng Diyos na sumuko tayo sa Kaniya?
  • Ano ang mga bagay na kinokontrol ko na kailangan kong isuko?
  • Sino ang mga lider at awtoridad na inilagay ng Diyos sa aking buhay? 

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos. 

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Buhay Na Masagana |  5-Day Video Series from Light Brings Freedom

Si Jesus ang Manlilikha ng buhay - Siya lamang ang may disenyo sa bawat aspeto ng buhay natin. Ibig sabihin, alam Niya ang kailangan nating gawin para maging mapalad at matagumpay. Gusto mo ba ng ganitong klaseng buhay? Isang masaganang buhay... May integridad... Pinagpapala sa pinansiyal... Matatag ang emosyon? Paano nga ba? Matatagpuan natin ang mga sagot na kailangan natin sa Salita ng Diyos. Video series from Light Brings Freedom.

More

Nais naming pasalamatan ang Bridge To The Islands & Nations Ministries at ang kanilang ministeryo sa pagiging alagad, ang Light ay nagdadala ng Kalayaan sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lightbringsfreedom.com/