Biyaya at Pasasalamat: Mamuhay nang Buo sa Kanyang BiyayaHalimbawa
Mga Bagong Awa Tuwing Umaga
Isipin na nakahiga ka sa kama isang gabi, nakabalot sa iyong mga kumot, at binabalikan ang iyong araw sa iyong isipan – lahat ng bagay na sana'y ginawa mo o sinabi mo sa ibang paraan. O baka ang iyong kaluluwa ay nalulumbay dahil sa isang napakalaking problema. Maaaring gusto mo ring pindutin ang replay at magsimulang muli. Well, pwede naman. Sa bawat bagong bukang-liwayway, nariyan ang pag-ibig at awa ng Diyos na naghihintay para sa iyo upang magsimulang muli. Ang kahapon at ang mga panghihinayang nito ay tapos na, at ang Kanyang katapatan at pagmamahal ay nag-aalab pa rin sa bawat bagong umaga.
Panalangin:
Ama, nagpapasalamat ako at nagkaroon ng kapanatagan na dahil mahal na mahal Mo ako, ang Iyong mga bagong awa ay sumasagana sa aking buhay araw-araw. Amen.
Tungkol sa Gabay na ito
Maraming pangako ang Diyos sa iyo, at nilayon Niyang tuparin ang bawat isa. Ngunit sa panahon ngayon, madaling kalimutan ang kabutihan at biyaya ng Diyos. Tutulungan ka ng 7-araw na debosyonal na ito na maalala ang Kanyang masaganang biyaya at pagpapala sa pamamagitan ng nilalamang debosyonal, Salita ng Diyos, at isang mapanimdim na panalangin araw-araw. Ang pag-aaral na ito ay mula sa devotional journal na 100 Days of Grace & Gratitude nina Shanna Noel at Lisa Stilwell.
More