Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Biyaya at Pasasalamat: Mamuhay nang Buo sa Kanyang BiyayaHalimbawa

Grace & Gratitude: Live Fully In His Grace

ARAW 1 NG 7

Ibigay ang Iyong mga Pasanin 

Ano ang nagpapabigat sa iyong isipan ngayon? Ano ang humihila sa iyong espiritu sa iba't ibang direksyon at nagpapapagod sa iyo? Minamahal, alam ng Diyos ang tungkol sa lahat ng ito. At nauunawaan Niya na ikaw ay mahina at limitado ang kakayanin sa isang pagkakataon. Iyan ang dahilan kung bakit Siya nangako na tutulong - Siya ang magdadala ng iyong mga pasanin para sa iyo. Walang limitasyon sa oras o bigat para sabihin Niya, "Naabot mo na ang nakatakda para sa 'yo sa araw na ito." Ang Kanyang lakas ay walang limitasyon, at walang anumang problema ang napakahirap para sa Kanya. Siya ay nakakatagpo ng malaking kasiyahan sa pagtulong at pag-aalaga sa iyong bawat pangangailangan. Ngunit kailangan mo munang ibigay ang mga ito sa Kanyang mga kamay, pagkatapos ay magtiwala at magpahinga sa pagkaalam na kontrolado Niya ang mga ito.

Panalangin:  

Panginoon, salamat sa Iyong biyaya at lakas upang dalhin ako sa araw na ito. Ibinibigay ko sa Iyo ang aking mga pasanin ngayon at nagpapahinga sa pagkaalam na kinuha Mo ang mga ito, at Ikaw ay kasama ko. Amen.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Grace & Gratitude: Live Fully In His Grace

Maraming pangako ang Diyos sa iyo, at nilayon Niyang tuparin ang bawat isa. Ngunit sa panahon ngayon, madaling kalimutan ang kabutihan at biyaya ng Diyos. Tutulungan ka ng 7-araw na debosyonal na ito na maalala ang Kanyang masaganang biyaya at pagpapala sa pamamagitan ng nilalamang debosyonal, Salita ng Diyos, at isang mapanimdim na panalangin araw-araw. Ang pag-aaral na ito ay mula sa devotional journal na 100 Days of Grace & Gratitude nina Shanna Noel at Lisa Stilwell.

More

Nais naming pasalamatan ang DaySpring sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.dayspring.com/