Biyaya at Pasasalamat: Mamuhay nang Buo sa Kanyang BiyayaHalimbawa
Magsaya sa Panginoon
Madaling gawin ang pagsasaya, pagdarasal, at pagpapahayag ng pasasalamat kapag maayos ang takbo ng buhay, ngunit paano naman kapag nahihirapan kang bumangon sa kama? Alam ni Jesus na magkakaroon ka ng mahihirap na panahon, at ang Kanyang panlunas para sa isang nanghihinang espiritu ay papuri - hindi para sa pakikibaka, kundi para sa Kanyang presensya at sa pangako ng buhay na walang hanggan kasama Niya. Mahal ka Niya. Namatay Siya para sa iyo. At iyon ang lahat ng tamang dahilan upang magalak sa Kanya at maging masaya kahit na ano pa man ang nangyayari.
Panalangin:
Jesus, nagagalak ako sa Iyo ngayon at nagpapasalamat sa Iyo mula sa aking puso para sa sakripisyong ginawa Mo sa krus para sa akin. Ako ay tunay na nagpapasalamat. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maraming pangako ang Diyos sa iyo, at nilayon Niyang tuparin ang bawat isa. Ngunit sa panahon ngayon, madaling kalimutan ang kabutihan at biyaya ng Diyos. Tutulungan ka ng 7-araw na debosyonal na ito na maalala ang Kanyang masaganang biyaya at pagpapala sa pamamagitan ng nilalamang debosyonal, Salita ng Diyos, at isang mapanimdim na panalangin araw-araw. Ang pag-aaral na ito ay mula sa devotional journal na 100 Days of Grace & Gratitude nina Shanna Noel at Lisa Stilwell.
More