Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagdanas ng Panunumbalik sa DiyosHalimbawa

Experiencing God's Renewal

ARAW 3 NG 5

Madalas na sinasabing ang isipan ang palaruan ng demonyo. May katotohanan sa katagang ito sapagkat ang mga espirituwal na labanang ating kinakaharap ay nagaganap sa loob ng isipan. Maaring ito ay nakalipas nang kasalanan na pilit na ipinaalala ng ating espirituwal na kaaway sa iyo o kaya ay mga masidhing paghahangad sa isang pagkagumon na hindi mo pa tuluyang napagtatagumpayan. Marahil, ibinubulong niya ang mga negatibong salita na magdudulot sa iyo ng pagdududa sa iyong pananampalataya o sa iyong kakayahan na gawin ang ninanais ng Diyos para sa iyo. Gawin ang isinasaad sa Mga Taga-Romano 12:2 ngayon at pahintulutan ang Diyos na baguhin ka sa pamamagitan ng pagbabago ng iyong isipan. Magdasal at hilingin sa Diyos ngayon na alisin ang mga negatibong bagay na pilit na itinatanim ng ating espirituwal na kaaway sa iyong isipan at pahintulutan ang Diyos na baguhin ang iyong isipan at bigyan ito ng kalinawan at kadalisayan. Hayaan mong tulungan ka ng Diyos na pagtagumpayan ang labang nagaganap sa iyong isipan.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Experiencing God's Renewal

Ang pagiging bagong nilikha kay Kristo ay nangangahulugan na tayo at patuloy na nababago sa pamamagitan Niya. Binabago ng Diyos ang ating mga puso, isipan, at katawan. Maging ang ating hangarin ay Kanyang binabago. Sa loob ng 5-araw na gabay na ito, mas mauunawaan mo ang isinasaad ng Salita ng Diyos tungkol sa pagbabago. Bawat araw, makatatanggap ka ng babasahin sa Bibliya at maikling gabay na makatutulong sa pagninilay sa iba't ibang paraan na nararanasan natin ang pagbabagong mula sa Diyos.

More

We would like to thank Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.life.church