Pagdanas ng Panunumbalik sa DiyosHalimbawa
Ang pagiging bagong nilikha kay Kristo ay nangangahulugan na ikaw ay nabago. Ang iyong dating makasalanang pagkatao ay naglaho na bunga ng iyong ganap na pagbabago sa pamamagitan ni Kristo. Sa katunayan, ang salitang baguhin ay maaring mangahulugang "pagiging bago at naiiba, bagay na mas mainam." Sa madaling salita, ang pagbabago kay Kristo ay nangangahulugan na tayo ay nilikhang muli na maging mas mabuti. Para sa ilan sa atin, maaring napakahirap ang magbago mula sa dating makasalanang sarili at tuluyang isaayos ang ating mga buhay. Maaring ito ay mahirap gawin, ngunit ito ang iyong tandaan: kung ikaw ay mananatili sa Diyos, patuloy Siyang kikilos sa iyong buhay upang baguhin ka at burahin sa iyo ang mga marka ng kasalanan na maaaring magpatuloy na bumagabag sa iyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagiging bagong nilikha kay Kristo ay nangangahulugan na tayo at patuloy na nababago sa pamamagitan Niya. Binabago ng Diyos ang ating mga puso, isipan, at katawan. Maging ang ating hangarin ay Kanyang binabago. Sa loob ng 5-araw na gabay na ito, mas mauunawaan mo ang isinasaad ng Salita ng Diyos tungkol sa pagbabago. Bawat araw, makatatanggap ka ng babasahin sa Bibliya at maikling gabay na makatutulong sa pagninilay sa iba't ibang paraan na nararanasan natin ang pagbabagong mula sa Diyos.
More
We would like to thank Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.life.church