Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagdanas ng Panunumbalik sa DiyosHalimbawa

Experiencing God's Renewal

ARAW 2 NG 5

Ang puso ang sentro ng buhay. Nakasalalay sa natatanging panloob na bahagi ng katawan na ito ang ang ating pisikal na buhay. Kung wala ito, ang buhay ay imposible. Ang puso ay sentro rin ng spirituwal na buhay. Sinasabi ng Kawikaan sa atin na dapat nating bantayan ang ating puso sapagkat ito ay parehong pinagmumulan ng pisikal at ispirituwal na buhay. Ang ating puso ang tumutukoy sa ating mga gawain at sumasalamin kung si Kristo nga ay nasa sentro ng ating mga buhay. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang hilingin natin sa Diyos na patuloy na baguhin ang ating mga puso. Isa-isahin mo ang nilalaman ng puso mo ngayon. Ang iyong puso ba ay nasa dapat nitong kalagyan o kailangan mo ang pagbabagong mula sa Diyos? Hilingin mo sa Diyos na baguhin ang iyong puso at siguruhing mananatili Siya na sentro ng iyong puso.
Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Experiencing God's Renewal

Ang pagiging bagong nilikha kay Kristo ay nangangahulugan na tayo at patuloy na nababago sa pamamagitan Niya. Binabago ng Diyos ang ating mga puso, isipan, at katawan. Maging ang ating hangarin ay Kanyang binabago. Sa loob ng 5-araw na gabay na ito, mas mauunawaan mo ang isinasaad ng Salita ng Diyos tungkol sa pagbabago. Bawat araw, makatatanggap ka ng babasahin sa Bibliya at maikling gabay na makatutulong sa pagninilay sa iba't ibang paraan na nararanasan natin ang pagbabagong mula sa Diyos.

More

We would like to thank Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.life.church