9 Na Mga Karaniwang Kasinungalingang Pinaniniwalaan ng mga Cristiano: Bahagi 1 Ng 3 Halimbawa

Kaya, hindi kailanman magbabago si _____________.
Ang isa sa pinakamalaking kasinungalingan na ginagamit ng diablo upang pahinain ang loob ng mga tagasunod ni Jesus ay ang "Si ____________ ay hindi magbabago." Kaya sino ang nasa iyong blangko? Malamang, ang taong iyon ay isang taong lubos mong minamahal at pinapahalagahan. Siguro ang taong ito ay isang bata, isang apo, isang magulang, isang kapatid, o isang malapit na kaibigan. Nawalan ka ng pag-asa dahil naniniwala kang hindi siya magbabago.
Sa kabilang banda, ang taong nasa iyong blangko ay maaaring isang tao na pumupukaw ng galit sa loob mo. Siya ay kakila-kilabot. Nasisiyahan siya sa kanyang kasalanan, at kung ibabase sa panlabas na anyo, tila wala siyang pakialam kung paano ito nakakaapekto sa ibang tao. Marahil sa mga sandali ng pagkabigo ay inilarawan mo siya at ang kanyang mga aksyon bilang purong kasamaan. Ang taong ito ay maaaring isang dating asawa, isang manlolokong boss, isang magagaliting kapitbahay, o maging isang pinuno ng mundo na nagdudulot ng lahat ng uri ng mga problema para sa mga mamamayan na dapat niyang paglingkuran. Madaling tingnan ang kanilang mga aksyon at sabihin na ang mga taong ito ay wala nang anumang pag-asa na magbago.
Kung ang tao sa iyong blangko ay isang taong mahal mo, isang taong kinamumuhian mo, o isang tao na pinupukaw ang parehong mga emosyong iyon, kung nahulog ka sa paniniwala na hindi siya magbabago, oras na para ikaw naman ang magbago. Kailangan mong mapagtanto na naniniwala ka sa isang kasinungalingan. Maling lugar ang binibigyang-diin mo, na nakatuon sa isang imposibleng tao sa halip na sa Diyos na kaya ang lahat ng imposible. Kung makikita mo, hindi ito "Sino ang nasa iyong blangko?" Ito ay "Kanino ka nagtitiwala?" Ang Diyos ang kanyang tagalikha, mahal pa rin Niya siya, at may kapangyarihan Siyang baguhin siya. Walang taong wala nang pag-asa. Walang taong nabubuhay pa rin na nasa labas ng hindi-imposibleng maabot ng kapatawaran at pagbabago ng biyaya ng Diyos.
Mga Katanungan para sa Pagninilay:
Sino ang nasa iyong blangko? Kung matapat ka, may panahon ba na naniwala kang hindi sila mababago ng Diyos?
Maglaan ng oras upang magnilay-nilay. Nais mo ba talagang magbago ang taong ito? Malugod mo ba siyang matatanggap sa iyong buhay muli? Huminto ka ngayon at ipanalangin ang taong nasa iyong blangko ng pangalan.
Katotohanan:
Walang imposible para sa Diyos. May kapangyarihan Siyang baguhin ang mga tao upang masimulan nila ang pamumuhay na nais Niya para sa kanila.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Maaaring ang Diyos ay hindi kung sino Siya sa tingin mo. Marahil mas mahusay Siya. Makakatulong ang debosyonal na ito na matukoy ang ilang mga salitang bukambibig ng mga Cristiano na narinig na nating lahat na sa totoo lang ay mga kasinungalingang hindi biblikal. Ang mga bukambibig na ito ay waring wala namang masama, ngunit nakakasama sa ating pananampalataya at pinananatili ang napakaraming mga mananampalataya na musmos sa espiritwal. Matutunang harapin ang mga kasinungalingang ito sa pamamagitan ng mga katotohanan tungkol sa Diyos sa Biblia upang magdala ng paghihikayat at kalayaan sa ating buhay.
More