Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

9 Na Mga Karaniwang Kasinungalingang Pinaniniwalaan ng mga Cristiano: Bahagi 1 Ng 3 Halimbawa

9 Common Lies Christians Believe: Part 1 Of 3

ARAW 2 NG 3

Hindi ko mapapatawad ang taong iyon!

Likas sa mga tao ang hindi kagustuhan na (at, lantaran, ayaw nito) magpatawad. Nais nating manghawakan sa kapaitan dahil sa palagay natin, kapag pinatawad ko ang mga taong nanakit sa akin, ito ay pagkukunsinti sa kanilang mga ginawa. Sinasabi kong okay lang ang ginawa nila.Ngunit iyan ay hindi totoo. Ang Diyos ang hukom, at Siya ay hahatol nang naaangkop sa mga nangyari. Ang kapaitan, kawalan ng kapatawaran, at pagkagalit ay madalas na makakasama sa taong nakakaramdam nito. Gayunpaman, kapag nagpapatawad tayo, ang talagang sinasabi natin ay, hindi mo ako kayang sirain, wakasan, o hadlangan pa, sapagkat ang aking Diyos ay nagpapagaling. Siya ay mas mahusay kaysa sa kapaitan.

Karamihan sa ating hindi-pagpapatawad at kapaitan ay nagmumula sa ilang mga talaga namang walang kabuluhang sitwasyon. Gayunpaman, ang ilang mga kuwento ay may nasasangkot na totoong mga biktima. Sa mga ganitong uri ng kuwento, ang kapatawaran ay maaaring magmula lamang sa Diyos at nakakakuha sila ng isang sukat-ng-Diyos na pagpapatawad.

Itinuturo sa atin ng Banal na Kasulatan na kung nais nating tumanggap ng biyaya ng Diyos, dapat din tayong magbigay ng biyayang sa iba. Ibinibigay ni Jesus ang hamon na kung hindi natin pinatawad ang iba, maaaring ito ay patunay na hindi natin tunay na natanggap ang kapatawaran ng Diyos sa ating sarili. O, sa isang positibo at maluwalhating implikasyon, itinuturo Niya sa atin na ang pinakapraktikal na paraan upang maipakita sa mundo na nauunawaan natin ang kapatawaran sa ating sariling buhay ay sa pamamagitan ng pagpapakita na alam natin kung paano tayo dapat na magpatawad.

Ang kapatawaran ay hindi madali. Ang pagpapatawad ay talagang imposible sa ating sarili. Gayunpaman, ang magandang balita ay mayroon tayong Diyos na ginawang posible ang imposible. "Sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos." (Lucas 1:37).

Sa huli, ang kapatawaran ay isang gawa ng pananampalataya sa isang Diyos na kaya at gagawin ang hindi natin magagawa nang mag-isa.

Ang totoo ay ang kapaitan, hindi-pagpapatawad, at galit ay isang mabigat at kahabag-habag na pasanin. Bilang isang Cristiano, piliin ang kapatawaran dahil pinili ng iyong dakilang Diyos na patawarin ka.

Mga Katanungan para sa Pagninilay:

Mag-isip ng isang taong nanakit sa iyo. Napatawad mo na ba ang taong ito? Sa palagay mo ba ay parang hindi kayang abutin ang kapatawaran sa sitwasyong ito? Kung gayon, ano ang dahilan para masabi mo ito?

Maglaan ng oras upang ilista ang mga bagay na pinatawad ng Diyos sa iyo. Dahil natanggap mo ang biyaya at kapatawaran ng Diyos, kanino mo kailangan magbahagi ng biyaya at kapatawaran sa ngayon?

Katotohanan:

Kung ako ay tatanggap ng kapatawaran, sa gayon ay nararapat akong magbigay ng kapatawaran.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

9 Common Lies Christians Believe: Part 1 Of 3

Maaaring ang Diyos ay hindi kung sino Siya sa tingin mo. Marahil mas mahusay Siya. Makakatulong ang debosyonal na ito na matukoy ang ilang mga salitang bukambibig ng mga Cristiano na narinig na nating lahat na sa totoo lang ay mga kasinungalingang hindi biblikal. Ang mga bukambibig na ito ay waring wala namang masama, ngunit nakakasama sa ating pananampalataya at pinananatili ang napakaraming mga mananampalataya na musmos sa espiritwal. Matutunang harapin ang mga kasinungalingang ito sa pamamagitan ng mga katotohanan tungkol sa Diyos sa Biblia upang magdala ng paghihikayat at kalayaan sa ating buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang WaterBrook Multnomah sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://waterbrookmultnomah.com/books/567221/9-common-lies-christians-believe-by-shane-pruitt/