Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

9 Na Mga Karaniwang Kasinungalingang Pinaniniwalaan ng mga Cristiano: Bahagi 1 Ng 3 Halimbawa

9 Common Lies Christians Believe: Part 1 Of 3

ARAW 1 NG 3

Gusto lang ng Diyos na maging masaya ako.

Ang kaligayahan ba talaga ang pinakadakilang kabutihan sa buong mundo? Ang mga pahayag tulad ng "Masayang asawa, masayang buhay" at "Ang sukdulang layunin ng buhay ay ang paghahanap ng kaligayahan" ay naging mga kasabihan na sa ating lipunan simula pa noon. Ngunit iyon ba ang pangunahing prayoridad ng Diyos para sa ating buhay—upang maging masaya lamang?

Ngayon, huwag mo itong masamain. Hindi ako kontra sa pagiging masaya. Ako ay isang tagahanga ng malusog na kaligayahan. Ang tinutukoy ko ay ang kahulugan ng kaligayahan sa mundo o, ang higit pang mahalaga para sa atin, ang ating sariling pananaw sa kaligayahan. Ang ideya ng kaligayahan sa mundo ay direktang nakaugnay sa mga pangyayari. Kung ang ating mga kalagayan ay kanais-nais, kung gayon tayo ay masaya. Kung hindi, kung gayong, hindi tayo masaya.

Ngunit narito ang katotohanan: nagbabago ang ating sitwasyon sa lahat ng oras. Marami sa atin ang pinapayagan ang mga nakababahalang pangyayaring ito na diktahan ang ating kaligayahan. Ito ay isang lubhang mapanganib na sitwasyon kapag ang panlabas na pangyayari ay kumokontrol sa ating panloob na damdamin.

Mayroon bang ibang bagay ang Diyos na inilaan para sa iyo at sa akin kaysa sa kaligayahan lamang? Narito ang kahanga-hangang sagot sa magandang tanong. Tatlong maliliit na titik: J-O-Y o Kagalakan. Nais ng Diyos na maranasan natin ang kagalakan — ang maayos na kalagayan ng kasiyahan, kumpiyansa, at pag-asa na nagmumula lamang sa pagtitiwala sa Kanya.

Ang magandang katotohanang ito ay isa pang indikasyon kung bakit ang kagalakan ay totoong mas malaki kaysa sa kaligayahan. Ang kagalakan ay hindi itinatayo sa panlabas na pangyayari, kundi kay Cristo na naninirahan sa loob ng mga mananampalataya. Kung ang Espiritu ni Cristo ay palaging nasa loob ko at hindi ako iiwan, hindi ako iiwan ng aking kagalakan. Anuman ang pagdaanan ko, maaari akong magkaroon ng kagalakan sapagkat ang aking Diyos ay sumasaakin. Magandang araw—kagalakan. Masamang araw—kagalakan. Pagdurusa — kagalakan. Kapag maayos ang lahat—kagalakan. Kapag walang nangyayaring naaayon sa akin—kagalakan. Ang aking kagalakan ay nananatili sapagkat ang aking Cristo ay nananatili.

Mga Katanungan para sa Pagninilay:

Ano ang mga pagkakaiba sa pagitan ng kahulugan ng kaligayahan sa mundo at ang kahulugan ng kagalakan ng Biblia?

Sa anong parte ng iyong buhay na idinikta ng iyong mga sitwasyon ang iyong kaligayahan? Paano magiging mas kapaki-pakinabang ang pagtuon sa kagalakan sa panahong iyon?

Katotohanan:

Ang kahulugan ng kaligayahan sa daigdig ay madalas na idinidikta ng mga pangyayari, ngunit ang kagalakan sa Biblia ay binuo sa isang taong nagngangalang Jesus.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

9 Common Lies Christians Believe: Part 1 Of 3

Maaaring ang Diyos ay hindi kung sino Siya sa tingin mo. Marahil mas mahusay Siya. Makakatulong ang debosyonal na ito na matukoy ang ilang mga salitang bukambibig ng mga Cristiano na narinig na nating lahat na sa totoo lang ay mga kasinungalingang hindi biblikal. Ang mga bukambibig na ito ay waring wala namang masama, ngunit nakakasama sa ating pananampalataya at pinananatili ang napakaraming mga mananampalataya na musmos sa espiritwal. Matutunang harapin ang mga kasinungalingang ito sa pamamagitan ng mga katotohanan tungkol sa Diyos sa Biblia upang magdala ng paghihikayat at kalayaan sa ating buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang WaterBrook Multnomah sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://waterbrookmultnomah.com/books/567221/9-common-lies-christians-believe-by-shane-pruitt/