KabalisahanHalimbawa
Kahapon, nakita natin kung paano nilinaw ni Jesus ang ideya ng pahingang tulad nang sa Araw ng Pamamahinga bilang isang kaloob na dapat tamasahin, sa halip na isang batas na dapat sundin. Kaya, kung ang Araw ng Pamamahinga ay, sa mga salita ni Jesus, "itinakda para sa tao," (Marcos 2:27), ang tanong ay, ano ang kailangan ng tao? Tulad ng nakita natin sa unang araw ng gabay na ito, kailangan natin ng isang gamot na panlunas sa pagkabalisa, tulad ng pagpapalit ng mga bagay na taga-ubos ng buhay sa mga nagbibigay-buhay, pagsasagawa ng pasasalamat, at pagpapaalaala sa ating sarili kung paano ang ginawa ni Jesus sa krus ay nagpapalaya sa atin mula sa panggigipit na kumilos hanggang sa ating kamatayan.
Paano at kung kailan natin gagawin ang mga bagay na ito ay magiging iba sa bawat isa sa atin. Kasama ni Jesus bilang bagong tipan, hindi na tayo nakakulong sa isang partikular na araw ng linggo upang magpahinga mula sa ating pagkabalisa. Maaari kang "mag-Araw ng Pamamahinga" o magpahinga tuwing gabi pagkatapos mong patulugin ang iyong mga anak, o sa isang taunang bakasyon sa tag-init, o, tulad ng sa tradisyon, sa isang itinakdang araw bawat linggo.
Ako at ang aking pamilya ay niyayakap ang kaloob ng isang pahingang katulad ng Araw ng Pamamahinga tuwing Linggo, kung kailan sinisikap naming gumawa lamang ng mga bagay na "nagbibigay-buhay" at sinusubukan ang aming makakaya upang itigil ang lahat ng pagsusumikap at pagiging produktibo. Para sa amin, iyon ay ang paglayo o hindi pagbabad sa aming mga telepono, pagkain ng aming mga paboritong pagkain, paggugol ng mas maraming oras sa Salita ng Diyos, at paglaan ng oras sa aming pinakamalapit na pamilya at mga kaibigan. Ngunit ang pinaka-nakakapagbigay ng pahinga para sa akin sa isang araw, ay sinasadya naming suspindihin ang anumang produktibong pag-uusap. Ito ay nangangahulugan ng hindi pag-uusap o pagbabahagi ng mga ideya para sa aking susunod na libro, walang pagpaplano para sa aming susunod na bakasyon, at walang pagtalakay sa mga kalendaryo para sa darating na linggo. Sa loob ng isang araw, hangga't makakaya, nagpapahinga lang kami at pinahahalagahan ang mga magagandang bagay, trabaho, at mga taong ibinigay sa atin ng Diyos —hindi nagsisikap para sa kung ano pa man.
Tulad ng pagsisimula ko at ng aking asawa na magsanay ng Araw ng Pamamahinga ilang taon na ang nakalilipas, mabilis itong naging malinaw kung bakit sinabi ni Jesus na ang Araw ng Pamamahinga ay para sa tao at hindi sa ibang paraan. Ang Araw ng Pamamahinga ay isang pagkakataon upang magpahinga mula sa walang tigil na panggigipit ng mundo upang patuloy na kumilos, lumutas, mag-aliw, gumastos, mag-post, at gumawa. Ito ay isang araw upang tingnan natin ang ating buhay, ang ating gawain, at ang krus at sabihin nang may kasiyahan, "Tama na!"
Ang ganitong uri ng pahinga ay hindi naging madali para sa akin. Hindi man malapit. Ngunit habang patuloy kong ginagawa ang mga regular na kapahingahan na ito, madalang na akong mabalisa at mabahala. Kung ikaw ay hindi mapalagay tulad ko, hinihikayat kita na pakinggan mo si Jesus na nagsasabi sa iyo na ang kapahingahan nang katulad ng sa Araw ng Pamamahinga ay parasa iyo. Hindi na ito isang kautusang legalista. Ito ay isang kaloob na may mas kabuluhan ngayon kaysa noon. Dasal ko na yakapin mo ito.
Nakatulong ba ang Gabay na ito?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
"Ang aming mga puso ay nababalisa hanggang kanilang masumpungan ang kapahingahan sa Iyo." Hindi pa kailanman naramdaman ng karamihan sa atin ang kabalisahang inilarawan ni San Agustin sa bantog na pangungusap na ito. Ngunit ano nga ba ang kasagutan sa ating kakulangan ng tunay na kapahingahan? Tulad ng ipakikita ng tatlong araw na gabay na ito, ang kasagutan ay bahagyang namamalagi sa pagtingin sa sinaunang kaugalian ng Araw ng Pamamahinga sa pamamagitan ng ibang lente—sa pamamagitan ng lente "Mo"—Jesus—ang aming sukdulang pinagmumulan ng kapayapaan.
More