Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

KabalisahanHalimbawa

Restless

ARAW 1 NG 3

Tunog nang tunog ang iyong telepono. Hindi mo na masunod ang iyong kalendaryo. Walang katapusan ang listahan ng iyong mga gawain. Patuloy na tumatakbo ang iyong isipan. At pagkagising mo sa umaga, agad kang kukumprontahin ng banayad na ugong ng pagkabalisa na siyang susunod sa iyo sa buong maghapon.

Pamilyar? Ngayon, higit sa kailan pa man, tayo ay nababalisa. Masasabi kong mayroong tatlong pangunahing kadahilanan ang nag-aambag sa kabalisahan ng mga Cristiano sa kasalukuyan. Una, tayo (tulad ng iba sa mundo) ay naglalaan ng napakaraming oras sa mga uri ng aliwan, social media, mga app, at mga laro, na ang mga mabubuting bagay na ito na dapat ay nagbibigay-buhay ay sa katunayan ay nagiging taga-ubos ng buhay. Pangalawa, hindi tayo naglalaan ng oras upang "pumasok sa templo [ng Panginoon] na ang puso'y nagdiriwang," na humahantog sa walang kasiyahan at isang hindi panatag na pwersa upang maghangad at mag-ipon ng higit pa. At panghuli—at ito ay isang partikular na mapaghamong pakikibaka sa mga ambisyosong propesyunal—tayo ay nabibigong maglaan ng oras upang palagiang paalalahanan ang ating mga sarili ng mabuting balita at kung paano ang ating pagkakakilanlan kay Cristo ay nakapagpapalaya sa atin mula sa ating pangangailangan na patuloy na gumawa nang higit pa.

Ito ay maaaring magtunog na sobrang payak, ngunit kung ang ating problema ay kabalisahan, ang solusyon kung gayon dapat ay kapahingahan mula sa mga pinagmumulan ng kabalisahan. Upang makahanap ng tunay na kapahingahan at kapayapaan, dapat ay regular tayong humiwalay mula sa mga walang humpay na mga kahilingan ng mundong ito at ng ating trabaho. Dapat ay gumawa tayo ng oras upang magpasalamat para sa mga ipinagkaloob ng Diyos sa atin, sa halip na maghangad ng higit pa. At dapat natin panandaliang ipagpalit ang mga bagay na nakakaubos sa atin (email, smartphone, atbp.) para sa mga bagay na nakapagbibigay buhay sa atin (mga kaibigan, pamilya, Salita ng Diyos atbp.).

Sa kabutihang palad, ang Biblia ay may isang modelo para sa ganitong uri ng kapahingahan: Ang Sabbath o Araw ng Pamamahinga. Ngayon, mula nang ilang taon na ang nakalipas, ang Araw ng Pamamahinga ay isang pangngalan para sa akin, hindi isang pandiwa. Ito ay isang sinaunang salita para sa isang araw ng linggo, hindi isang bagay na tunay na isinasagawa ng mga modernong Cristiano. Sa mahabang panahon, ang Araw ng Pamamahinga ay para bang isang legal na gawain para sa akin kaysa sa isang napakagandang biyaya na lulutas ng aking pagkabalisa. Ngunit sa maingat na pag-aaral ng mga salita ni Jesus, buong-buo kong nabago ang aking pananaw tungkol sa kapahingahan na para bang Araw ng Pamamahinga. Ngayon, hindi ko na maisip ang aking buhay nang wala ito.

Bukas, makikita natin kung ano hindi ang Araw ng Pamamahinga para sa mga Cristiano sa kasalukuyan, at pabubulaanan ang marami sa mga katha na mayroon ako (at marahil pati ikaw) nang mahabang panahon tungkol sa sinaunang kagawian. Pagkatapos, sa ating panghuling araw, titingnan natin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kung papaano ang kapahingahan sa Araw ng Pamamahinga at kung papaano ito maaaring magawa para sa ating kasalukuyang panahon ngayon.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Restless

"Ang aming mga puso ay nababalisa hanggang kanilang masumpungan ang kapahingahan sa Iyo." Hindi pa kailanman naramdaman ng karamihan sa atin ang kabalisahang inilarawan ni San Agustin sa bantog na pangungusap na ito. Ngunit ano nga ba ang kasagutan sa ating kakulangan ng tunay na kapahingahan? Tulad ng ipakikita ng tatlong araw na gabay na ito, ang kasagutan ay bahagyang namamalagi sa pagtingin sa sinaunang kaugalian ng Araw ng Pamamahinga sa pamamagitan ng ibang lente—sa pamamagitan ng lente "Mo"—Jesus—ang aming sukdulang pinagmumulan ng kapayapaan.

More

Nais naming pasalamatan si Jordan Raynor sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.jordanraynor.com/restless/