Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

KabalisahanHalimbawa

Restless

ARAW 2 NG 3

Kahapon, napagtibay natin na ang solusyon sa ating pagkabalisa ay mahahanap sa kapahingahang tulad nang sa Araw ng Pamamahinga mula sa mga pinagmumulan ng ating kabalisahan. Bukas, titingnan natin kung gaano ka-praktikal natin bilang mga Cristiano ginagawa ang mga iyon ngayong Ika-21 siglo. Ngunit bago iyon, dapat muna nating tingnan kung ano hindi ang Araw ng Pamamahinga para sa mga Cristiano sa kasalukuyan. At ang pinakamagandang lugar upang magsimula ay ang pinagmulan mismo ng Araw ng Pamamahinga.

Nang ibinigay ng Diyos ang Sampung Utos kay Moises sa Bundok ng Sinai, ipinag-utos Niya na magpahinga ang lahat ng mga Israelita sa ika-pitong araw ng bawat linggo. Ito ay upang maging palatandaan ito ng tipan ng Diyos sa Kanyang mga nilalang. At, siyempre, ang Araw ng Pamamahinga ay hango mula sa sariling araw ng pamamahinga ng Diyos mula sa paglikha sa unang ika-pitong araw. 

Sa Lumang Tipan, ang Araw ng Pamamahinga ay ginagawa alinsunod sa mahihigpit na mga alituntunin at regulasyon. Halimbawa, ang mga Israelita ay pinagbabawalang magsindi ng apoy (Exodo 35:3), mamulot at kumuha ng pagkain (Exodo 16:23-29), at magtinda o bumili ng paninda (Nehemias 10:31). At ang kaparusahan sa sadyang paglabag sa Araw ng Pamamahinga ay hindi bababa sa kamatayan. (Exodo 31:14-15)

Sa paglipas ng panahon, itinaguyod ng mga Israelita ang Araw ng Pamamahinga sa sukdulan nitong mga batas, sa puntong, noong dumating si Jesus sa mundo, kinilala nila ang pagpapagaling sa Araw ng Pamamahinga bilang isang kasalanan. Nang makita ng mga Pariseo si Jesus na nagpapagaling at kumuha ng mga butil ng trigo sa isang triguhan sa Araw ng Pamamahinga sa Mateo 12, pinagsabihan siya ng mga ito, at binigyan-diin na ipinagbabawal ang kanyang ginawa. Sumagot si Jesus sa pagsasabing "ang Anak ng Tao ay siyang Panginoon ng Araw ng Pamamahinga" (Mateo 12:8) na nangangahulugang isang bagong tipan ang naririto sa katauhan ni Cristo. Sa mga salaysay ni Marcos sa kaparehong pangyayari, sinabi ni Jesus na "Itinakda ang Araw ng Pamamahinga para sa ikabubuti ng tao; hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga" (Marcos 2:27). Sa ibang pananalita, ipinapahayag ni Jesus na sa Kanyang pamamagitan, ang Araw ng Pamamahinga ay hindi napapailalim sa Kautusan. Sa halip, ito ay isang napakagandang kaloob para sa mga nababalisa. 

Ano ang ibig sabihin ni Jesus na ang Araw ng Pamamahinga sa ngayon ay para sa tao? Paano, sa praktikal na pag-iisip, natin lubos na matatamasa ang kaloob na iyon? At papaano tayo makapagpapahinga ng regular ngayon, nang hindi ginagawang batay sa kung anong batas at taga-ubos ng buhay ang ating pamamahinga? Ang mga ito ang mga katanungang ating sasagutin sa huling araw ng gabay na ito.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Restless

"Ang aming mga puso ay nababalisa hanggang kanilang masumpungan ang kapahingahan sa Iyo." Hindi pa kailanman naramdaman ng karamihan sa atin ang kabalisahang inilarawan ni San Agustin sa bantog na pangungusap na ito. Ngunit ano nga ba ang kasagutan sa ating kakulangan ng tunay na kapahingahan? Tulad ng ipakikita ng tatlong araw na gabay na ito, ang kasagutan ay bahagyang namamalagi sa pagtingin sa sinaunang kaugalian ng Araw ng Pamamahinga sa pamamagitan ng ibang lente—sa pamamagitan ng lente "Mo"—Jesus—ang aming sukdulang pinagmumulan ng kapayapaan.

More

Nais naming pasalamatan si Jordan Raynor sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.jordanraynor.com/restless/