Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kapahingahan Para sa NababalisaHalimbawa

Rest For The Restless

ARAW 3 NG 3

KAPAHINGAHAN MULA SA PANG ARAW-ARAW NA PAGSUBOK  

Lahat tayo ay may mga pasanin. Ang ilan ay may dalang pasaning sakit. Ang iba ay nagdadala ng pasanin sa trabaho. Nararanasan ng ilang bata ang bigat ng mahigpit na pag-aaral. Maraming magulang ay dumaranas ng stress o matinding pagod habang pinalalaki ang mga anak. Ang ilan ay dumaranas ng problema sa pananalapi, samantalang ang iba ay nahaharap sa emosyonal na stress at pagka-balisa. Malinaw na sinasabi ng Biblia na tayo ay daranas ng mga pagsubok sa mundong ito. Sa katunayan, sinabi ni Jesus na "magdaranas kayo ng kapighatian sa mundong ito" (Juan 16:33). Gayundin, sinabi ni Pedro sa kanyang mga mambabasa: "Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas na para bang ito'y di pangkaraniwan" (1 Pedro 4:12).

Ipinapaalala sa atin ni Job na "Ang buhay ng tao'y maikli lamang, subalit punung-puno ng kahirapan" (Job 14:1)! Dito ay kasama ang lahat sa atin. Sabi ni Pablo sa kanyang sulat sa Mga Taga-Corinto, "Habang nakatira pa tayo sa toldang ito, tayo'y naghihinagpis at dumaraing" (2 Mga Taga-Corinto 5:4). Hangga 't nabubuhay tayo sa mundong ito, kailangan nating magdala ng ilang pasanin. Ngunit may magandang balita! Ang pangako ni Jesus sa Mateo 11:28 ay angkop din sa mga pang araw-araw na pagsubok. Binibigyan tayo ni Jesus ng kapahingahan habang buhat natin ang ating mga pasanin sa mundong ito. Kaya nga, hinihikayat tayo ni Apostol Pedro na "ipagkatiwala ninyo sa kanya [Jesus] ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo." (1 Pedro 5:7). Hindi natin kailangang dalhin ang ating mga pasanin dahil handa si Jesus na pasanin ang lahat ng ating pasanin sa kanyang sarili. Kapag itinuon natin ang lahat ng ating alalahanin sa kanya, bibigyan niya tayo ng napakalaking kapayapaan maging sa gitna ng mga pagsubok (Juan 16:33; Mga Taga Filipos 4:6-7). May kapahingahan sa paglapit kay Jesus. Kapag nangako Siya ng isang bagay, titiyakin niyang tutuparin Niya ito.

Ngayon, lumapit ka kay Jesus at tanggapin ang kapahingahan. Walang kapahingahan sa kasalanan, walang kapahingahan sa iba't ibang pag-aari, walang kapahingahan sa katanyagan, walang kapahingahan sa mga tao, walang kapahingahan sa alak, at walang kapahingahan sa droga. Ang tunay na kapahingahan ay matatagpuan lamang kay Cristo! Milyun-milyong tao sa buong mundo ang dumaranas ng kapahingahan na alok ni Jesus. Maaari mo rin maranasan ang kanyang kapahingahan sa pang araw-araw na mga pagsubok.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Rest For The Restless

Ang debosyonal na ito ay makatutulong sa mga naghahanap na makita si Cristo at makahihikayat sa mga mananampalataya na makahanap ng kapahingahan kay Cristo mula sa pang-araw-araw na mga pagsubok.

More

Nais naming pasalamatan sina David Mende at El-Shaddai AOG para sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://elshaddaiag.in/