Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kapahingahan Para sa NababalisaHalimbawa

Rest For The Restless

ARAW 1 NG 3

IKAW AY IMBITADO

Ngayon, ikaw ay tatanggap ng pinakamagandang imbitasyon sa lahat ng mga imbitasyong iyong natanggap. Mahirap paniwalaan? Totoo ito! Sinasabi ko na ito ang pinakamagandang imbitasyon dahil nagmumula ito sa isang taong walang hanggan ang pagiging karapat-dapat. Ang taong nagbibigay ng imbitasyon na ito ay si Jesu-Cristo. Ang kanyang pambihirang imbitasyon ay matatagpuan sa Mateo 11:28 kung saan sinasabi ni Jesus, "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan."

Ang imbitasyong ito ay para sa "lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha." Ang pagtawag na ito ay hindi para sa kaya ang sarili. Ito ay hindi para sa mapagmataas o mayabang. Sa kasamaang-palad, maraming tao ang masyadong palalo na umamin na sila ay nabibigatan. Hindi nila alam na kailangan nila ng tulong mula sa langit. Kaya, inaanyayahan ni Jesus ang mga taong nahihirapan at nabibigatang lubha. Ang salitang nahihirapanay ang mga pasaning tinataglay natin sa ating sarili. At ang mga katagang nabibigatang lubha ay tumutukoy sa mga pasanin (legal na patakaran) na inilagay sa atin ng iba (cf. Mateo 23:4; Lucas 11:46). 

Ang isang orthodox na Judio ay nabibigatang lubha ng kanyang relihiyon. Kailangang sundin ng isang Judio ang lahat ng 613 utos na binanggit sa Kautusan. Dagdag pa rito, kailangan nilang sundin ang ilang patakaran at regulasyon na binanggit sa mga tradisyon ng Judio. Ang mga Judio ay nasa ilalim ng alingawngaw ng "Huwag kang." Ngunit sinasabi sa Biblia na hindi tayo kailanman maliligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan (Mga Taga-Galacia 2:16). 

Ikaw ba ay may mabigat na pasanin na kasalanan at pagkakasala (Awit 38:3-4)? Kung gayon, si Jesus ay nagbibigay ng kapahingahan. Ayon sa Mateo 11:28, ang salitang 'kapahingahan' ay nangangahulugang kaligtasan. Hindi ka maaaring mapalaya mula sa iyong mga pasanin at magtamo ng kaligtasan sa pagsisikap na sundin ang Kautusan sa sarili mong lakas o paggawa ng mga mabubuting gawain. Ang mga mabubuting gawain ay bunga ng kaligtasan, hindi ang ugat nito. Ginawa ni Cristo ang lahat ng kailangang gawin upang matamo ang iyong kaligtasan. Ang kailangan mo lamang gawin ay lumapit kay Jesus nang may simpleng pagtitiwala, pagsisihan ang iyong mga kasalanan, at hilingin sa Kanya na patawarin ka. Tandaan na ang paanyayang ito ay pangkalahatan. Sabi ni Jesus "lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha." Hindi mahalaga kung aling lahi ka kasapi, kung aling relihiyon ang iyong sinusundan, kung aling rehiyon ang iyong kinabibilangan, o kung ano ang kulay ng iyong balat. Ang imbitasyong ito ay para sa iyo! Ikaw ay imbitado!

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Rest For The Restless

Ang debosyonal na ito ay makatutulong sa mga naghahanap na makita si Cristo at makahihikayat sa mga mananampalataya na makahanap ng kapahingahan kay Cristo mula sa pang-araw-araw na mga pagsubok.

More

Nais naming pasalamatan sina David Mende at El-Shaddai AOG para sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://elshaddaiag.in/