Kapahingahan Para sa NababalisaHalimbawa
LUMAPIT KAY JESUS
Nabubuhay tayo sa isang mundong puno ng stress o matinding pagod. May stress sa tahanan, paaralan, kolehiyo, trabaho, at halos sa lahat ng dako.
Kamakailan, binabasa ko ang isang artikulo sa Economic Times (Setyembre 12, 2016) na naghahayag na ayon sa isang pag-aaral, ang 46% ng mga manggagawang Indiyano ay nagdurusa mula sa ilang uri ng stress. Ang palagay ko ay totoo rin ito sa mga tao sa iba pang bahagi ng mundo. Para makayanan ang stress, ang mga tao ay bumabaling sa alak, pamimili, pelikula, TV, Internet, relasyon sa iba sa labas ng kasal, droga, atbp. Ngunit ang mga bagay na ito ay hindi makatutulong sa atin na harapin ang stress. Kaya, ano nga ba ang pang matagalang solusyon upang makalaya mula sa stress? Si Jesus. Oo, sinasabi sa Mateo 11:28, iniimbitahan ni Jesus ang lahat ng nahihirapan at nabibigatang lubha na makasumpong ng kapahingahan sa kanya.
Hindi sinabi ni Jesus, "Pumunta ka sa ibang lugar upang makasumpong ng kapahingahan." Ang sinasabi Niya ay "Lumapit kayo sa Akin." Iniaalay ni Jesus ang kanyang sarili bilang solusyon sa ating mga pasanin. Ito ay tunay na isang makapangyarihang imbitasyon. Bakit ko sinasabi ito? Dahil ang pagbibigay ng kapahingahan sa isang tao ay isang banal na kaukulang karapatan (Isaias 40:28-31). Diyos lamang ang makapagbibigay sa atin ng kapahingahan. Ngunit dito, iniaalok ni Jesus ang kapahingahan na ito. Kaya, hindi ito imbitasyon ng isang ordinaryong guro o propeta. Si Jesus, na Diyos sa laman ay nagbibigay sa atin ng makapangyarihang imbitasyon. Sa katunayan, hindi mo mararanasan ang kapahingahan na ito nang hindi lumalapit kay Jesus.
Ngayon ang paglapit kay Jesus ay nagpapahiwatig na nagtitiwala tayo sa kanya (cf. Juan 6:35, kung saan ang paglapit kay Jesus at paniniwala sa kanya ay ginamit bilang magkaparis na bagay). Ang layunin ng ating pananampalataya ay hindi isang simbahan, isang pastor, isang doktrina, o anupaman. Ang layunin ng ating pananampalataya ay si Cristo mismo. Maaari lamang nating maranasan ang kapahingahan kapag nagtiwala tayo kay Jesus.
Walang tao sa mundo ang makapagbibigay ng gayong imbitasyon. Maging ang iyong mga magulang, asawa, anak, o iyong pinakamalapit na kaibigan ay hindi makapagbibigay ng gayong imbitasyon. Si Jesus lamang ang makapagbibigay sa atin ng imbitasyon na ito dahil siya lamang ang tunay na makapagbibigay sa atin ng kapahingahan. Si Jesus lamang ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay (Juan 14:6). Siya ang ating kaligtasan. Siya ang ating pag-asa. Siya ang nagbibigay-buhay at muling pagkabuhay (Juan 11:25). Siya ang pinakadakilang kayamanan! Siya lamang ang solusyon sa bawat problema. Iyon ang dahilan kung bakit hinihiling ni Jesus na lumapit tayo sa kanya. Lumapit kay Jesus ngayon!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang debosyonal na ito ay makatutulong sa mga naghahanap na makita si Cristo at makahihikayat sa mga mananampalataya na makahanap ng kapahingahan kay Cristo mula sa pang-araw-araw na mga pagsubok.
More