Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kapahingahan Para Sa NahihirapanHalimbawa

Rest For The Weary

ARAW 3 NG 3

Paano natin matutunan na magpasakop sa madaling dalhin na pamatok ni Jesus bilang ating Panginoon? 

Ang pangatlong tagubilin na ibinigay ni Jesus sa talatang ito ay: 

“Sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako'y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan” (Mateo 11:29). 

Pumapasok tayo sa paaralan ng madaling dalhin na pamatok at magaan na pasanin ni Jesus sa pagsasagawa ng buhay na Kanyang pinagdaanan. Sa pag-aaral natin ng Kanyang buhay sa Banal na Kasulatan at pag-tugon sa mapanalanging pagsunod, matututo tayong sundin ang Kanyang utos: 

“Ang sinumang nagnanais sumunod sa Akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa Akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa Akin ay magkakamit nito.” (Mateo 16:24-25). 

Sa madaling salita, natututo tayo mula kay Jesus sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanya bilang Kanyang mga alagad. Umuupo tayo sa Kanyang paanan at pinag-aaralan ang uri na Kanyang pamumuhay hanggang sa maging likas na ito sa atin. 

Hindi ko nais na isipin mo na ang paglapit kay Jesus, ang pagpasan ng Kanyang pamatok, at ang pag-aaral sa Kanya ay nangangahulugang mapapawi bigla ang ating mga pasanin at pagdurusa. Gayunpaman, ito ay nangangahulugan na ang pasanin ay magiging mas magaan habang natatagpuan natin na tayo ay nakapasan sa pamatok ng Nag-iisang sapat ang lakas upang dalhin ang bigat ng lahat ng ating mga kasalanan sa krus. 

Ipinagkatiwala mo na ba ang iyong sarili na maging isang alagad ni Jesus—hindi lamang isang taong tumanggap ng Kanyang alok ng kaligtasan, ngunit isang taong aktibong naglalayong gayahin ang uri ng Kanyang pamumuhay sa iyong sariling buhay?  

Kung nais mo pang magbasa ng tungkol sa paghahanap kay Cristo sa mga panahon ng pagdurusa, i-click ito upang i-download ang isang ebook mula kay Dr. Tony Evans na pinamagatang "Joy in Adversity.”

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Rest For The Weary

Ang Gabay na ito ni Dr. Tony Evans ay magbibigay sa iyo ng mas malalim na kaalaman sa tatlong utos ni Jesus na makatutulong sa iyo sa iyong pagpasok sa panahon ng kapahingahan sa iyong buhay.

Nais naming pasalamatan ang The Urban Alternative (Tony Evans) sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://tonyevans.org/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya