Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kapahingahan Para Sa NahihirapanHalimbawa

Rest For The Weary

ARAW 2 NG 3

Bakit ang paglapit kay Jesus ay nagbibigay ng pag-asa ng kapahingahan para sa nahihirapan? 

Ang sagot ay nakapaloob sa kasunod na tagubiling ibinigay ni Jesus sa mga tao: "Pasanin ninyo ang aking pamatok" (Mateo 11:29). 

Kapag lumapit tayo kay Jesus, tinatanggap natin ang Kanyang pamatok, at, tulad ng isang bakang nag-aararo sa bukid, kailangan tayong magpasakop sa kanyang pamumuno. Hindi na tayo ang panginoon at pinuno ng ating kapalaran, kundi gaya ng mga unang alagad sa Ebanghelyo ni Mateo na tinawag ni Jesus (Pedro at Andres), naririnig at sinusunod natin ang utos ni Jesus na "Sumunod kayo sa Akin" (Mateo 4:19). Ang pamatok na ito, gayunman, ay inilarawan bilang madaling dalhin: 

"Sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo" (Mateo 11:30). 

Ang salitang Griyego na chrēstos—ay nagpapahayag bilang "madali"—na ang pinakamalapit na kahulugan ay "angkop o pasadyang ginawa." Ang isang hindi maayos na pamatok ay maaaring makabagabag at makapagod agad sa baka sa gitna ng kanyang gawain, ngunit ang madaling dalhin na pamatok ni Jesus ay isang ganap na likha para sa alagad na sumusunod sa Kanya. Tutal, Siya ang lumikha ng lahat ng bagay at lubos Niyang nalalaman ang ating mga pangangailangan. Inilarawan ng mang-aawit ang pagiging madetalye na ito sa ating mga pangangailangan sa ganitong paraan: 

"Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya, gayon siya nahahabag sa may takot sa kanya. Alam niya na alabok, itong ating pinagmulan, at sa alabok din naman ang ating kahahantungan." (Mga Awit 103:13-14). 

Ang pagsunod kay Jesus at pagpasan ng Kanyang pamatok ay hindi simpleng bagay lamang. Ito ay kinapapalooban ng sakripisyo, pagsunod, at pagpapasakop sa kalooban ng Panginoon. Gayunman, ito ay kagalakang pagpapasakop sa ating Manlilikha, na lubos na nagmamalasakit sa atin, at may alam ng pinakamainam para sa atin.

Paano natin matututunang magpasakop sa madaling dalhin na pamatok ni Jesus bilang ating Panginoon?

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Rest For The Weary

Ang Gabay na ito ni Dr. Tony Evans ay magbibigay sa iyo ng mas malalim na kaalaman sa tatlong utos ni Jesus na makatutulong sa iyo sa iyong pagpasok sa panahon ng kapahingahan sa iyong buhay.

Nais naming pasalamatan ang The Urban Alternative (Tony Evans) sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://tonyevans.org/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya