Kapahingahan Para Sa NahihirapanHalimbawa
Nanawagan si Jesus sa mga nahihirapan at nabibigatang lubha na lumapit sa Kanya at humanap ng kapahingahan.
Sa Ebanghelyo ni Mateo, pinuna ni Jesus ang mga eskriba at Pariseo dahil
"Pinagpapasan nila ng mabibigat na dalahin ang mga tao, ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagdadala ng mga iyon" (Mateo 23:4).
Salungat sa listahan ng mga alituntunin, kinakailangan, at legal na patakaran ng mga eskriba at mga Pariseo na ipinapataw sa mga tao upang sumunod at lubusang makiisa sa pananampalataya ng Israel, payak na tinawag ni Jesus ang mga nahihirapan at nabibigatang lubha na lumapit sa Kanya.
Ang panawagan ni Jesus ay isang pagtawag sa lahat ng pagal at nahahapo sa sarili nilang pagsisikap na magkaroon ng relasyon sa Kanya. Ang relasyon na ito ay walang kinakailangan o kontratang negosasyon. Ito ay isang mapagmahal at taos-pusong kaloob na ibinibigay sa lahat ng lumalapit, at ipinapangako ni Jesus na lahat ng tumutugon ay bibigyan ng kapahingahan (Mateo 11:28).
Bakit ang paglapit kay Jesus ay nagbibigay ng pag-asa ng "kapahingahan" para sa "nahihirapan at nabibigatang lubha? "
Kung nais mong matuto nang higit pa tungkol sa kapahingahan na ibinigay ni Jesus, nais naming bigyan ka ng isang sermon na maida-download mula kay Dr. Tony Evans, bilang aming regalo sa iyo. I-click lamang ito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Gabay na ito ni Dr. Tony Evans ay magbibigay sa iyo ng mas malalim na kaalaman sa tatlong utos ni Jesus na makatutulong sa iyo sa iyong pagpasok sa panahon ng kapahingahan sa iyong buhay.
More