Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Ministeryo ng KahusayanHalimbawa

The Ministry Of Excellence

ARAW 3 NG 3

Pagiging Karaniwan: Isang Kabiguan ng Pag-ibig

Nang tanungin si Jesus kung ano ang pinakadakilang mga utos, sumagot Siya, "Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos...at...Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili." Gaya ng nakita natin kahapon, ang mahusay na gawain ay isang paraan kung saan tinutupad natin ang utos ni Jesus na ibigin ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapakita ng Kanyang katangian ng kahusayan sa mga nakapaligid sa atin. Gaya ng makikita natin ngayon, kailangan din ang kahusayan sa pagsunod sa ikalawang utos sa ating gawain.

Bilang mga Cristiano, hindi natin masasabi na sinisikap nating mahalin ang ating kapwa gaya ng ating sarili at pagkatapos ay gagawin natin ang ating gawain nang tila pangkaraniwan lang. Isipin ang matinding halimbawa ng isang Cristianong doktor. Bagama't ang doktor na iyon ay maaaring manalangin kasama ang kanyang mga pasyente, ibahagi ang ebanghelyo sa kanyang mga katrabaho, at mag-abuloy ng pera sa kanyang simbahan, ang kanyang pinakapangunahing paraan ng ministeryo ay ang pagiging isang mahusay na doktor. Kung siya ay isang pangkaraniwang medikal na propesyonal, ang buhay ng kanyang mga pasyente ay maaaring nasa panganib. Ang unang responsibilidad ng doktor sa kanyang trabaho ay dapat na ang ministeryo ng kahusayan—paglilingkod sa kanyang mga pasyente sa abot ng kanyang makakaya, na nagbibigay sa kanila ng parehong antas ng pangangalaga na inaasahan niya para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.

Ngayon, para sa karamihan sa atin, ang relatibong kakayahan ng ating trabaho ay hindi mangangahulugan ng pagkakaiba sa pagitan ng buhay at kamatayan. Ngunit lahat tayo ay may pagkakataon na sundin ang utos ni Jesus na ibigin ang ating kapwa gaya ng ating sarili sa pamamagitan ng pagpili na gumawa ng mahusay na trabaho at lagpasan ang pinakamababang pamantayan na kinakailangan sa ating mga trabaho. Gusto ko ang sinabi ni Matt Perman tungkol sa paksang ito: “Ang tamad na trabaho ay parang paninira dahil ito ay nagpapahirap sa buhay ng mga tao—tulad ng paninira. Ang mga Cristiano ay dapat na maging kabaligtaran ng mga maninira at mga tamad sa kanilang gawain. Dapat tayong gumawa ng trabaho na talagang makikinabang ang mga tao sa pamamagitan ng paggawa ng higit pa sa halip na gawin lamang ang pinakamababang kinakailangan. Ang kahusayan sa ating trabaho ay talagang isang anyo ng pagkabukas-palad at pagmamahal, at ang mahinang kalidad ay isang uri ng pagiging maramot at pagkamakasarili. Ang hindi magandang trabaho ay hindi lamang basta-basta trabaho; ito ay kabiguan ng pag-ibig.”

Bilang mga Cristiano, hindi tayo dapat maghangad na gawin ang pinakamababa sa ating mga trabaho upang mangolekta ng suweldo. Kung naniniwala tayo na ang ating gawain ay isang tawag mula sa Diyos, “Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. (Mga Taga - Colosas 3:23),” na naghahangad na luwalhatiin ang Diyos at mahalin nang mabuti ang iba sa pamamagitan ng pagiging pinaka masisigasig at pinakamahuhusay na doktor, negosyante, guro, mga artista, karpintero, at mga tagapagpaganap. Ang kahusayan sa ating trabaho ay hindi lamang isang paraan para sa ilang personal na pakinabang. Ang kahusayan ay ang ating pinakapangunahing anyo ng ministeryo sa ating gawain. Hayaang hikayatin ka ng katotohanang ito na tumuon sa paghahangad ng karunungan sa iyong kasanayan, na maging pinakapambihirang bersyon ng iyong sarili para sa kaluwalhatian ng Diyos at sa ikabubuti ng iba!

Kung nasiyahan ka sa gabay na ito sa pagbabasa, magugustuhan mo ang aking lingguhang debosyonal, na tumutulong sa iyong mas malalim na maiugnay ang ebanghelyo sa iyong trabaho. Mag-sign up dito.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

The Ministry Of Excellence

Maraming magandang dahilan para isulong ang kahusayan sa ating trabaho: Ang kahusayan ay nagsusulong sa ating mga karera, nagbibigay sa atin ng impluwensya, at maaaring humantong sa mga pagkakataong ibahagi ang ebanghelyo. Ngunit tulad ng ipapakita ng tatlong araw na planong ito, dapat nating isulong ang kahusayan para sa isang mas pangunahing dahilan—dahil ang kahusayan ay kung paano natin pinakamahusay na ipinapakita ang katangian ng Diyos at minamahal at pinaglilingkuran ang ating kapwa gaya ng ating sarili sa pamamagitan ng ating piniling gawain.

More

Nais naming pasalamatan si Jordan Raynor sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.jordanraynor.com/excellence