Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Ministeryo ng KahusayanHalimbawa

The Ministry Of Excellence

ARAW 1 NG 3

Kahusayan sa Lahat ng Bagay

Ang isa sa mga paborito kong paglalarawan kay Jesus ay nagmula sa Marcos 7:37 kung saan sinasabing “Ang lahat ng kanyang ginagawa ay napakabuti! Pinapagaling pa Niya ang mga bingi at pipi!’” Bilang mga tagasunod ni Cristo, ang talatang ito ay dapat magbigay sa atin ng matinding paghinto. Bilang mga naghahangad na tularan si Jesus sa lahat ng maiisip nating paraan, masasabi ba natin na ginagawa natin ang lahatng mabuti? Masasabi ba nating ginagawa natin ang lahat nang may kahusayan sa trabaho at sa bahay?

Ang katotohanan ay lahat tayo ay may mga bahagi ng ating buhay kung saan kulang tayo sa mahusay na pamantayan ni Jesus. Sa tingin ko ito ay mas totoo ngayon kaysa dati. Bakit? Dahil ngayon higit kailanman, naniniwala tayo sa mga kasinungalingan na kailangan nating gawin ang lahat, maging ang lahat, at magkaroon ng lahat. Tayo ay labis na nakatuon, nalulula, at labis na nahihirapan, gumagawa ng isang milimetro ng pag-unlad sa isang milyong direksyon dahil hindi natin napapagwari kung alin ang mahalaga mula sa hindi mahalaga sa ating trabaho at sa ating mga tahanan. Ito ay isang recipe para sa pangkaraniwan, hindi kahusayan, at sasabihin ko na ang problema ay isang epidemya sa Simbahan ngayon. 

Bakit tayo dapat magmalasakit? Sapagkat ang anumang bagay na mas mababa sa kahusayan ay kulang sa pamantayan kung saan tinawag tayong mga Cristiano. Sa 1 Mga Taga-Corinto 10:31, isinulat ni Pablo, “Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos. ” Ang yumaong dakilang pastor na si Dr. James Kennedy ay ipinaliwanag ang talatang ito, na tinatawag ang kanyang kongregasyon sa "kahusayan sa lahat ng bagay at lahat ng bagay sa kaluwalhatian ng Diyos." Iyan ang pamantayang itinawag sa atin.

Maraming magandang dahilan para ipagpatuloy ang kahusayan sa lahat ng bagay, lalo na sa napili nating gawain. Ang kahusayan sa ating mga bokasyon ay nagpapasulong sa ating mga karera, ginagawa tayong kaakit-akit sa mundo, nagbibigay sa atin ng impluwensya, at maaaring humantong sa mga pagkakataong maibahagi ang ebanghelyo. Ngunit wala sa mabubuting bagay na ito ang dapat na maging pangunahing pangganyak para sa atin habang hinahangad natin ang kahusayan sa ating gawain at ang iba pang mga tungkuling tinawag ng Diyos na gampanan natin sa ating buhay. Hinahangad natin ang kahusayan para sa isang mas pangunahing layunin—dahil ang kahusayan ay kung paano natin pinakamahusay na ipinapakita ang katangian ni Cristo at minamahal at pinaglilingkuran ang ating kapwa gaya ng ating sarili. Sa madaling salita, ang kahusayan ay ang ating pang-araw-araw na anyo ng ministeryo. Gaya ng makikita natin sa susunod na dalawang araw, sa pamamagitan ng ministeryo ng kahusahayan na lumuluwalhati tayo sa Diyos at nagmamahal nang mabuti sa iba sa pamamagitan ng ating gawain.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

The Ministry Of Excellence

Maraming magandang dahilan para isulong ang kahusayan sa ating trabaho: Ang kahusayan ay nagsusulong sa ating mga karera, nagbibigay sa atin ng impluwensya, at maaaring humantong sa mga pagkakataong ibahagi ang ebanghelyo. Ngunit tulad ng ipapakita ng tatlong araw na planong ito, dapat nating isulong ang kahusayan para sa isang mas pangunahing dahilan—dahil ang kahusayan ay kung paano natin pinakamahusay na ipinapakita ang katangian ng Diyos at minamahal at pinaglilingkuran ang ating kapwa gaya ng ating sarili sa pamamagitan ng ating piniling gawain.

More

Nais naming pasalamatan si Jordan Raynor sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.jordanraynor.com/excellence