Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Ministeryo ng KahusayanHalimbawa

The Ministry Of Excellence

ARAW 2 NG 3

Ipahayag ang mga Kahusayan ng Diyos

Ang layunin ng ating gawain ay walang pinagkaiba sa layunin ng ating buhay, na para luwalhatiin ang Diyos sa lahat ng ating ginagawa (1 Mga Taga-Corinto 10:31). Ang "Luwalhatiin" ay isang salitang madalas nating ginagamit kung saan-saan na maaaring mahirap na itong tukuyin. Gaya ng sabi ni John Piper, ang ibig sabihin ng luwalhatiin ang Diyos ay "ipakita ang Kanyang kadakilaan" o ihayag ang Kanyang pagkatao sa iba.

Kaya, kung ang layunin ng ating gawain ay ihayag ang katangian ng Panginoon sa mundo, ano nga ba ang Kanyang mga katangian? Ang Biblia ay naglalarawan sa Diyos sa maraming paraan, ngunit ang Kanyang katangian ng pagiging malikhain na marahil ang pinaka nakikita natin. Hindi ka maaaring tumitig sa Grand Canyon at hindi mamangha sa mahusay na gawain ng Diyos. Hindi ka maaaring pumunta sa isang zoo nang hindi pinahahalagahan ang pagiging malikhain ng Lumikha. At hindi mo maaaring hawakan ang isang sanggol at hindi tumitig nang may pagtataka sa kahusayang kinakailangan upang makagawa ng milyun-milyong mga selula nang magkasama upang lumikha ng buhay. Gaya ng nakita natin sa sipi kahapon, ang katangian ng kahusayan ng Diyos ay sumikat din sa buhay ni Jesus sa lupa, kaya ang mga nakasama Niya ay namangha na "ginawa Niya ang lahat nang mabuti." Sinasamba natin ang nakatataas na Diyos. Isang perpektong Diyos. Ang “Kahusayan” ay napakagandang salita para ilarawan ang Diyos ng sansinukob. Ngunit ito ang pinakamalapit sa atin bilang mga mortal na maaasahang maunawaan at maabot.

Bilang mga anak ng Diyos, tinawag tayong maging mga tagapagdala ng imahe ng ating natatanging Ama. Sa Mga Taga - Efeso 5:1, itinuro ni Pablo sa Simbahan “Dahil kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya.” Sa pagkomento sa talatang ito, sinabi ng teologong si Andreas Köstenberger, “Paano tayo dapat tumugon sa kahusayan ng Diyos? Sa madaling salita, dapat nating hangarin na tularan at parisan ito...Bilang mga tinubos na anak ng Diyos, dapat tayong magsikap na maging katulad ng Diyos. Lumilitaw dito na kasama ang pagsusumikap para sa kahusayan dito. Ganito ang pagkakasabi ni John Piper: “Nilikha ako ng Diyos—at ikaw—upang mamuhay nang may iisa, sumasaklaw sa lahat, nakakapagpabago ng lahat na pagnanasa—ibig sabihin, isang pagnanais na luwalhatiin ang Diyos sa pamamagitan ng pagtatamasa at pagpapakita ng Kanyang pinakamataas na kahusayan sa lahat ng larangan ng buhay..”

Sa madaling salita, niluluwalhati natin ang Diyos kapag tinutularan natin ang Kanyang katangian ng kahusayan at sa paggawa nito ay “magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan.” (1 Pedro 2:9). Nabubuhay tayo na napapalibutan ng kadiliman sa isang mundo na desperado para sa isang bagay na mahusay at totoo. Marahil ay wala nang mas maimpluwensyang "aspeto ng buhay" para sa atin kung saan dapat nating ibahagi ang liwanag ni Cristo kaysa sa ating piniling gawain. Kapag gumagawa tayo nang may kahusayan, mayroon tayong malaking pribilehiyo na luwalhatiin ang Diyos at ipahayag ang Kanyang kahusayan sa mundo sa ating paligid. Halika at gawin ang iyong trabaho nang may kahusayan ngayon!

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

The Ministry Of Excellence

Maraming magandang dahilan para isulong ang kahusayan sa ating trabaho: Ang kahusayan ay nagsusulong sa ating mga karera, nagbibigay sa atin ng impluwensya, at maaaring humantong sa mga pagkakataong ibahagi ang ebanghelyo. Ngunit tulad ng ipapakita ng tatlong araw na planong ito, dapat nating isulong ang kahusayan para sa isang mas pangunahing dahilan—dahil ang kahusayan ay kung paano natin pinakamahusay na ipinapakita ang katangian ng Diyos at minamahal at pinaglilingkuran ang ating kapwa gaya ng ating sarili sa pamamagitan ng ating piniling gawain.

More

Nais naming pasalamatan si Jordan Raynor sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.jordanraynor.com/excellence