Ang Babae sa Proverbs: Karunungan, Kaugalian, at Pagiging PabulosaHalimbawa
ANONG SABI?
Naghahatid siya ng buhay sa iba.
KABUUAN: May nakilala ka na bang tao na tinutuyo lahat sa'yo? Madalas silang magreklamo at palaging negatibo. Maski ang kanilang anyo ay mukhang nakakatuyo! Tinatawag ko silang "MANINIPSIP."
Sinisipsip nila ang buhay sa ibang buhay! Ayaw mo mang aminin, pero ayaw mo silang nakikitang dumadating. Wala nang mas lalala pa sa magandang araw para lamang sirain ng isang tao at gawin itong isang bangungot.
Dati ay isa din akong "maninipsip." Hindi ko nakikita ang magagandang bagay sa iba dahil laging negatibo ang una kong nakikita. Hindi ko natutunan na magbigay ng buhay dahil hindi ko lubos na natanggap na binigyan ako ni Cristo ng buhay, at sa pamamagitan ng Kanyang buhay, hindi ko na kailangan pa makadama ng kawalang buhay.
Ang Babae sa Proverbs ay nagbibigay ng buhay sa lahat ng naka-palibot sa kanya dahil alam nya na nag-tatangi siya ng buhay sa kanyang kalooban. Maaaring meron kang pinaka pangit na araw, pero meron siyang kakayanan na gawing maaliwalas ang iyong araw.
Maaaring nararamdaman mong walang rason para ngumiti, ngunit bibigyan ka niya ng maraming rason. "Katulad siya ng isang barkong mangangalakal, dala ang kanyang mga pagkain galing pa sa malayong lugar." Ang barkong mangangalakal ay tumatanggap ng mga bagay at produkto galing sa malayong lugar at dinadala ito malapit sa mga nangangailangan. Ang Babae sa Proverbs ay ikinukumpara sa isang barkong mangangalakal na nagdadala ng mga pagkain, o ang Tinapay ng Buhay, galing sa malayo. Bilang isang Babae sa Proverbs hindi ka lamang nagdadala ng buhay para sa iba, pero nagtataglay ka rin ng buhay para sa iyong sarili.
Natutunan ko din agad ang yakapin ang buhay, at napag-tanto ko na nakaka-tuyo ako at ayoko ka maging ganun ulit. Pinalibutan ko ang aking sarili ng mga tao na magbibigay hamon sa aking walang kabuhay-buhay na pag-iisip at nagbibigay sa akin ng rason para mabuhay. Yakapin mo ang buhay na meron ka at maging handa na maging Babae sa Proverbs na maghahatid ng kaparehong pampapalakas na buhay sa iba.
KAMUSTA PANGINOON, AKO ITO!
Salamat sa pagbibigay lakas sa akin na dalhin ang buhay sa aking kalooban at magdala ng buhay para sa iba. Tulungan mo ako na malabanan ang kagustuhan na magreklamo at maghatid ng kadiliman sa buhay ng iba. Gusto ko kumatawan ng buhay sa lahat ng aking nakikilala, at lahat ng tao na umaalis sa akin ay nagbabaon ng karagdagang BUHAY at madaming Ikaw. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
ISABUHAY ITO:
Maglista kung gaano kadaming magagandang bagay ang makikita mo sa iyong buhay ngayon araw. Ipaskil ito sa mga pahina ng iyong social media at lagyan ng hashtag #NagpapasalamatSaBuhay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Matalinghagang Babae ay puno ng nakatutuwa, nakapagbibigay inspirasyon at hamon na mga kuwentong idinisenyo upang turuan ang mga kadalagahan kung paano humayo kagaya ng isang Matalinghagang Babae NGAYON! Ginawa ito sa pamamagitan ng mga karunungang ibinigay mula sa Mga Kawikaan 31. Ang may akda na si Lisa McClendon-Brailsford ang iyong “Nakatatandang Ate” para sa susunod na 7 araw. Hindi ka nag-iisa. May nananalangin para sa iyo at pumapalakpak para sa iyo sa pagbabasa mo ng aklat na ito. Para sa kabuuang edisyon, maaaring bisitahin ang afterthemusicstops.org.
More
Nais namin pasalamatan ang After The Music Stops, LLC sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://store.afterthemusicstops.org/